Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Paano umayaw sa isang tao?

670px-Let-a-Guy-Friend-Know-You're-Not-Interested-Romantically-in-a-Nice-Way-Step-05

Nanligaw ka na ba at pagkatapos ay inayawan ka ng nililigawan mo? Awwww. Condolence! LOL!

O di kaya’y may nanligaw sa iyo pero ayaw mo sa kanya. Paano mo siya sinabihan? Boom basted! LOL!

Kung OO ang sagot mo sa isa sa mga tanong ko, hindi ito ang blog na dapat mong basahin dahil hindi ito patungkol doon. Sorry. 🙂 Pero kung interesado kang ibahagi sa akin ang sagot sa mga katanungan kong iyon, magpadala ka lang ng mensahe sa akin. Baka makatulong sa iba. Contact the doctor here.

Bakit nga ba ganoon ang title ng post ko? Kasi kaninang umaga may nag-email sa akin:

Hi, Joseph.

Greetings from EDC!

We hope that this email finds you well! We obtained your name from your JOBSTREET. Our company is Energy Development Corporation (EDC). We are part of the Lopez Group, First Philippine Holdings. Our business is renewable energy. Founded in the mid 1970’s as a response to the Oil Crisis, we take pride in being the pioneer and now one of the largest Geothermal Energy Company. Our operations are vertically integrated, which means that we not only extract steam but also have power plants that convert the steam to electricity. We have also moved into other platforms, like Wind Farms. We take pride in producing clean and sustainable energy. Today, we are also expanding to other parts of the world, with exploration in Chile, Peru and Indonesia. We take pride in being a Filipino Company who is now bringing our science and expertise to the world. We are powered by good.

We would like to invite you to be part of this good that we do. We are currently in urgent need of POLLUTION CONTROL OFFICER (PERMITS AND COMPLIANCE OFFICER) willing to be based in our our Wind Farm in Ilocos, Norte.

We hope to hear from you by sending your updated CV to sangalang.mb@energy.com.ph and or you may reach me through my numbers shown below.

You may also send this to friends.

Nagulat ako kasi matagal ko nang hindi binubuksan ang account ko sa jobstreet.com. Ang tagal na ata ng resume ko na unang inilagay doon. Pero alam kong maganda ang kumpanyang EDC. Okey din naman ang posisyon na offer. Sigurado okey din ang suweldo since nakalagay naman sa profile ko ang expected salary na gusto ko. Pero ano nga ba ang sinagot ko sa kanila? Ito ang mga naging batayan ko sa aking sagot:

1. Masaya ba ako sa trabaho ko ngayon?

Madami akong kakilala na palipat-lipat ng trabaho kasi hindi na daw sila masaya sa ginagawa nila. May point naman sila pero kung kada anim na buwan ay hindi na sila lagi masaya sa ginagawa nila, parang sila na mismo ang may problema.

Paano kung sa relationship na iyon? Ganoon na lang ba? Dahil hindi kana masaya, break na agad?

I think kailangan nating mag-effort kung paano tayo magiging masaya sa ating trabaho (o sa relationship). Pray about that. Innovate maybe? Spend time with officemates. Lunch together. Socialize. Try jogging or gym or zumba after work? Ikaw bahala. Sabi nga ng BDO, find ways!

2. Natapos ko na ba ang mga bagay na sinimulan ko?

Minsan, kapag may mga bagong opportunities na ibinigay sa atin, bigla na lang tayong sumusunggab. Hindi natin isinaalang-alang kung ano ba ang magiging epekto nito sa ating current work. Not all opportunities are opportunity.

Parang sa relationship lang. Dahil nakatagpo ka ng mas maganda, mas mabait, mas masarap magluto, mas mayaman, mas maalalahanin, iniwan mo na ang GF mo? That’s bad! You are not a man of integrity bro! What an analogy!

3. Naaayon ba ito sa gusto ko talagang mangyari sa buhay ko?

Ang hirap siguro kung sasali tayo sa isang fun run or race tapos hindi natin alam kung saan ang finish line. Paikot-ikot tayo for sure. Mapapagod. Tapos susuko.

Ganyan sa buhay. Kaya minsan ay palipat-lipat tayo ng trabaho kasi hindi talaga natin alam ang ating gusto. Try to take some personality test or career seminar siguro. It’s just one click away. Google it!

Ako kasi alam ko na gusto ko… IKAW. 🙂 LOL!

So, to cut it short, I told EDC na I’m satisfied with my current work as PCO ng UPLB. May mga bagay din kasi na dapat pa akong tapusin. May MS pa din ako. I need to establish an Environmental Office for UPLB din. Saka alam ko ang gusto kong mangyari (short term maybe) sa buhay ko. At ayokong mag-stay nang matagal sa Ilocos Norte. Gala pwede pa. And of course, I prayed about it.

Para sa mga interested sa work na iyon, puwede kayong magpasa ng resume ninyo doon sa email address na nabanggit. Malay ninyo, kayo ang meant to be. 🙂

Actually hindi dapat ito ang blog ko ngayon. Hindi ko lang talaga natapos ang isang draft na nagawa ko noong isang araw. Anyway, hope you still get something with this post! Thanks for reading! Puwede niyo din basahin ang post ko kahapon since  mainit-init pa din naman ang issue: Kasalanan ba ang maging bakla o tomboy?

Photo Credit (here)

Advertisements

13 comments on “Paano umayaw sa isang tao?

  1. preciousjemwrites
    May 3, 2017

    “What an analogy!” Hahahahaha

    Liked by 1 person

  2. Cassiopeia
    July 4, 2015

    ” Not all opportunities are opportunity” –i like this.

    Liked by 1 person

  3. aysabaw
    July 1, 2015

    wow related haha…trabaho at lablayp

    Liked by 1 person

  4. Mia
    July 1, 2015

    I like how you approach opportunities like this with wisdom. If you know yourself well and rely on God for signs and timing, you will always be at the right place where He wants you to be.

    Liked by 2 people

    • Doctor Eamer
      July 1, 2015

      Thanks Ate Mia. 🙂 Yes po, minsan kasi ang opportunities ay nagbabalat-kayo lang.hehe

      Liked by 1 person

    • signorinamelrice
      July 14, 2015

      I learned something from this post. Padalus-dalos kasi ako na tao minsan pagdating sa mga bagay2. Lage akong nagmamadali. Kahit na sa paglalakad haha. Iniiwan ko nga friends ko na ang babagal lumakad kaya di nila namamalayan na wala na pala ako sa pack (haha). Ayun tuloy, tinutukso nila ako na nag teteleport daw lol.

      Anyway. I really learned something. 🙂

      P.S. And I just realized na parang tinotohanan na ng lola mo ang pang sto-stalk. Hahaha

      Liked by 1 person

    • signorinamelrice
      July 14, 2015

      Sorry po, wrong send. ^_^ Di ko na po ma tanggal kasi phone po gamit ko. Pasenxa po. Peace. 🙂

      Na prove tuloy ang pagiging padalus-dalos ko.

      Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on June 30, 2015 by in Advices and tagged , , , , , , , , .
%d bloggers like this: