Ayon sa estimatistics ni Doctor Eamer, lima (5) sa sampung mga Pilipino ay single. Dalawa ang nasa happy relationship. Isa ang complicated. Isa ang broken-hearted. At isa ang NPR o ang No Permanent Relationship. Kung may NPA nga, so may NPR din.
Author’s note: Ang estimatistics ay pinagsamang estimates at statistics.
Matagal na pinag-aralan ni Doctor Eamer ang mga nakalap niyang datos bago niya natapos ang resulta. Nahirapan siyang pumili ng sampung kaibigan niya sa Facebook para gawing sample sa kanyang investigative research. Ang tawag sa sampling method na ginawa niya ay random intentional sampling method. Hindi pa sikat ang method na ito kaya naman wala pang Review of Related Literature ang pag-aaral na ginawa niya. Gusto mo bang basahin ang Abstract nito? Huwag na! Hindi mo din maiitindihan kasi nga abstract. 😉
Dahil lumabas sa pag-aaral na majority ng Pilipino ay single, may planong gumawa ng isang proyekto si Doctor Eamer upang mabawasan ang malaking porsyento ng mga single sa bansa. Ang goal niya ay 10% reduction by the end of 2015. Sa madaling salita, nais ng proyektong ito na at least bumaba sa apat (4) ang bilang ng mga single kada sampung Pilipino. Huwag mong isiping kumplikado ito. Dahil ang pag-ibig hindi naman kumplikado. Tao lang ang nagbibigay ng kumplikasyon.
Kanina habang sakay ako ng taxi papuntang airport, si Manong driver ay nakikinig sa isang local FM station. Nagkukuwento ang isang caller (babae) sa DJ. Nagpunta daw siya sa isang dating site tapos nakakilala siya ng Pinoy. Parehas silang taga-Manila. Nagbigayan sila ng number at FB. Tapos ilang araw, close agad. Nagkita sila. May nangyari. Cut the long story short, parang gusto nang hiwalayan ni girl si boy kasi madaming hindi alam si girl kay boy at nagugulat na lang siya na ganoon pala si boy. Anyway, ayoko nang ikuwento pa.
Ang masasabi ko lang, huwag masyadong desperado. Dating sites or apps, are not recommended if you want a long lasting relationship. There are so many valid reasons that I can tell you pero masyado nang mahaba ang blog ko kaya next time na lang. Of course, there is always an exception. May mga success stories naman daw sa ganyang sites. Sabihin na lang natin na 3-5% cases ang nauuwi sa forever.
Ngayon, naisip ko lang na gawin ito kasi gusto kong maiwasan ang mga ganoong sitwasyon. Si Doctor Eamer mismo ang magiging site or app. Siya ang middle man sa match making na ito. Kailangan dito ay HONESTY at TRUST.
Una, honesty. Lahat ng mga information na ilalagay mo ay dapat totoo. I’ll check your personal FB account or LinkedIn if ever.
Except for the full name, birthday and email address, I will give all the details sa possible match up mo. Actually lahat ng guy (kung girl ka) na sumali ay ibibigay ko ang list sa iyo, then mamili ka ng isa na gusto mong makilala.
Ano ang pinagkaiba nito sa ibang chatting rooms or dating sites? Simple lang, ako ang mediator. Kapag alam kong flirting or foul na ang messages mo, ititigil na natin ang match up.
Parang ganito lang. May tatlong tao, si A, si B, at si C. Si Doctor Eamer si B. Ikaw si A. Si C ay ang mapipili mong potential partner. Lahat ng email message mo kay C ay dadaan at mababasa ni Doctor Eamer (B). B will forward your message to C.
Sa makatuwid, parang nagpapaabot ka lang ng liham thru online sa isang tao na hindi mo kilala pero handa mong kilalanin.
Kung busy si Doctor Eamer, baka matagalan siya sa pag-forward ng iyong mensahe kay C. Kaya habaan mo lagi ang mensahe para sulit. Anytime puwede nating itigil ang match up basta may umayaw na sa inyong dalawa o kapag may violation ka. Sasabihin na lang ni Doctor Eamer kung ano ang mga maaaring violations kapag nag-sign up ka na!
Kaya kailangan ng trust kasi… dapat mong pagkatiwalaan si Doctor Eamer na hindi niya ibibigay ang mahahalaga mong impormasyon. Hindi siya tatanggap ng kahit anong suhol. Hindi niya ito ginagawa for fun but for a possible future (ninyong dalawa). 🙂
“Ang lahat ng bagay ay posible. Pero hindi lahat ng posible ay bagay. Pero tingnan natin kung bagay kayong dalawa.” –Doctor Eamer
Author’s final note: Ginawa ko ang blog na ito sa eroplano (PAL Flight PR 2787). Sa buong flight ay tinapos ko ito. Sakto na ang huling mga salita ay nailagay ko sa Gmail Draft sa smart phone at natapos ang pag-landing ng eroplano. At saktong lowbat na ang kanyang Flare S3, 15% na lang. Paalam.
Update: Tingnan dito sa link na ito ang mga nakilahok, Philippine Single Association.
Photo Credit (here)
Ang cool nito! It’s good to find pinoy blogs again, thanks for dropping by mine. Nakatutok ako sa magiging resulta nitong PSA mo hehe.
Goodluck!
At mukhang enjoy difo sa bahay blog mo, marami akong babasahin sa mga susunod pang araw 🙂
LikeLiked by 1 person
Puwede ka ding mag-join kung qualified ka.hehe Abangan mo sa October ang blog anniversary ko. 🙂 Salamat sa pagtambay! God bless 🙂
LikeLike
Haha, hala may qualifications for joining pala, parang di ko napansin. Di bale, magmamasid muna ako at baka mareject ako e nasa application stage pa lang hahaha!
LikeLiked by 1 person
Siyempre dapat single at walang sabit.haha Yun ang implied qualifications.haha
LikeLike
Hahaha, yun naman pala. Tama lang, dapat alang sabit. Mukhang interesting to, dapat tigilan na ang Tinder, dito na lang sayo Doctor Eamer 👍🏻
LikeLiked by 1 person
First time ko marinig yang Tinder.haha Sige, ipakalat mo sa friends mo itong App ko.LOL!
LikeLike
This is so funny, Joseph! Dami ko tawa as always. Also, dami ko palang na-miss sa blog mo, ngayon ko lang nabasa to 🙂
LikeLiked by 1 person
Happy reading ate! Regards to the kiddos!
LikeLike
pambihira. natatawa ako mag-isa dito. nakatutok pa naman sakin ang CCTV. hahahahahahahahhahahaha.
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Happiness is a choice. Parang pagiging single. It’s a choice.LOL!
LikeLike
sometimes it’s not a choice but someone else’s choice, since being in a relationship requires two consenting individuals. hahaha.
LikeLiked by 1 person
well, i’m pertaining to those people na papunta pa lang sa relationship if ever.hehe parang ako, choice kong maging single eh.haha
LikeLiked by 1 person
My sister used to frequent dating sites but it didn’t work for her..
LikeLiked by 1 person
dating sites should only me a “venue” to meet but it takes some work to see if genuine nga ang tao.
LikeLiked by 1 person
Dating sites are really popular nowadays. I just hope the sites are safe. Baka kasi imbes na makahanap ng true love, mapahamak pa. But I believe that if two people are meant to be kahit sa dating site pa magkakilala, it doesn’t matter 🙂 Nice post again.
LikeLiked by 1 person
Thanks Mommy Maye! 🙂
LikeLike
Love reading your blog. It’s fun and may aral talagang makukuha just like the word estimatistics super hanep yung dating. Thanks for sharing!
http://www.sweetcuisinera.com
LikeLiked by 1 person
Thanks Ms. Melgie! Feel free to come back and read blog posts. 🙂
LikeLike
Nice one Dr. Eamer. May kumisyon ka ba sa mga makakahanap ng date? hehehe
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Happiness po siguro kapag may isang couple na magkatuluyan. 🙂
LikeLike
🙂 that is my advise to my friends who is still single to go to dating app wala namn mawawala
LikeLiked by 1 person
My sis found her partner thru dating site, they are happily married with a kid. Pero there are a lot of scams and dapat talaga mag ingat. Its always better if makikilala muna ng maayos ang isat isa and dont jump in sa isang relasyon agad agad.
Hahaha doctor eamer, goodluck sa pagiging middle man!
LikeLiked by 1 person
wow! congrats to your sis! 🙂
LikeLike
Ako, bilib ako sa talagang nagkakatuluyan sa dating sites, they’re destined to meet using that. Pero we can’t deny na andami din talagang mga fling (excuse the word) or katuwaan lang sa online sites. Ung iba, nag-iiscam pa. tsk.tsk. So, yeah, I agree, medyo risky talaga sya. 🙂
LikeLiked by 1 person
Dating sites can be fun, but if you’re looking for a real relationship, I wouldn’t recommend it.
LikeLiked by 1 person
Dating apps are quite for people who are desperate na. I mean, yung totally, wala nang pag asa. Just my opinion though.
LikeLiked by 1 person
If I’m still single, I don’t think I will use dating apps. I believe I won’t meet my “the one” in dating apps. 🙂
LikeLiked by 1 person
Really interesting app. I don’t think I would personally try it out though.
LikeLiked by 1 person
Nice idea bro! Parang dota market lang may midman! Ayos!
LikeLiked by 1 person
Hindi ako naglalaro ng DOTA pero mukhang may mga ganoon ata.haha Thanks bro! You can join.hehe 🙂
LikeLike
Katuwa naman… matry nga…. hahahah….
LikeLiked by 1 person
After sometime ako magsend ng messages.hehe mag-iipon muna ako ng magjoin para mas madami. 🙂 Feel free to invite some of your single friends. 🙂
LikeLiked by 1 person
Gusto ko yung “estimatics” mo Doc HAHA Gusto ko sana sumali kaso kuntento na ako sa komplikadong relationship ko HAHA But nice idea! 😀
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Yup hindi puwede dito ang nasa commitment na. 🙂 Thanks for liking this! 🙂
LikeLiked by 1 person
by the way, it’s estimatistics 😉
LikeLiked by 1 person
A good cause and a brilliant solution 🙂
LikeLiked by 1 person
Thanks Kim! Feel free to share this to your single friends who are ready to mingle 🙂
LikeLike
Muhehehehehe! :p
LikeLiked by 1 person
mag-join ka, feeling ko madami kang ka-match up.LOL!
LikeLike
*kinilabutan* Muhahahaha!
LikeLiked by 1 person
Kaya tinuloy ko ang post na ito kasi napanood ko pa kahapon sa news na may na-rape because of dating sites. Nakakalungkot lang.
LikeLike
Ooooooh. But then, sana walang makalampas sa “kilatis” abilities mo. Hehehe. I’m sure you already know that you have a responsibility on both parties (in some way). Hehehe 😀
LikeLiked by 1 person
Yup. Don’t worry, if they decided to meet after some conversation, I’ll make sure that it would be a group date. 🙂
LikeLiked by 1 person
That’s cool. Terribly cool. Haha! Pwede bang mag-apply na “cheerer.” Wahaha!
LikeLiked by 1 person
Ang dami kong tawa dito kuya. Haha!
LikeLiked by 1 person
Join ka! 🙂
LikeLike
Ayoko po.
LikeLiked by 1 person