Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

The Quarter (Love) Life Crisis

Quarter-Life-Crisis

May mga taong minsan ay walang pakundangan kung magtanong. Pero may point din naman sila. Pero puwede naman na walang pakialaman na lang diba?

Twenty five ka na single ka pa din?

So may plano kaba talagang mag-asawa?

Lahat ng pinsan mo may anak na, ikaw kahit GF wala pa?

Kailan magkakaapo ang parents mo?

Wala ka bang nagugustuhan sa mga kakilala mo?

Lahat ng barkada mo ikinasal na, ikaw?

Ikaw pa ba ang liligawan ng babae?

Dahil sabi ko nga na walang pakialaman, hindi ko sasagutin iyan. ๐Ÿ™‚ Order ka na lang ng book ko, LOVE IS BLOG (Foreword by โ€˜The Future Wifeโ€™). Sold out na ang 143 copies at madami pa ang gustong magkaroon ng kopya kaya naman may plano akong magkaroon ng 2nd batch of reprinting sa June.

IMG_0008

Kung ikaw ay โ€œtwenty somethingโ€ siguro naranasan (mararanasan) mo ang quarter-life crisis. Minsan nga kahit ang mga nasa early thirties ay nakakaranas pa din nito.

1. Minsan hindi mo alam kung ano ang susunod mong plano sa buhay. Hindi mo alam kung dapat bang mag-iba ka ng trabaho o hindi kayaโ€™y makipagsapalaran sa ibang lugar.

2. Minsan iniisip mo kung ang trabaho mo ngayon ay ang โ€œdream jobโ€ mo talaga.

3. Minsan araw-araw mong tinatanong ang sarili mo lalo na kapag naliligo, โ€œAno na? Anong dapat kong gawin?โ€ Pero dahil maaari kang mahuli sa pagpasok sa trabaho, puro katanungan lang ang iyong naiisip. Wala kang panahon na mag-isip ng kasagutan.

4. Minsan gusto mo na lang balikan ang pagkabata o ang mga panahong dependent ka pa sa iyong mga magulang.

5. Minsan nakakaranas ka ng panic kapag isa-isa nang kinakasal ang iyong mga kaibigan.

6. Minsan hindi mo alam kung masaya ka ba talaga sa ginagawa mo.

7. Minsan gusto mo na lang bumiyahe ng malayo o pumunta sa ibang bansa para mag-muni-muni. Soul searching ika nga.

8. Minsan tulala ka na lang. Malayo ang tingin. Malalim ang iniisip. Hindi makatulog.

9. Minsan feeling mo na hindi pa ito ang buhay na gusto mo. Madami kang gustong gawin pero hindi mo alam kung saan magsisimula.

10. Minsan gusto mong malaman ang mga sintomas ng quarter-life crisis kaya tinanong mo si Prof. Google o si Doctor Eamer.

quarterlife

11. Minsan tumitingin ka sa timeline ng mga kaklase mo noong kolehiyo. Gusto mong malaman kung ano na ang balita sa kanila. Gusto mong malaman kung masaya ba sila sa trabaho nila. Pero sa totoo lang, nakakaramdam ka ng insecurity dahil ang iba sa kanila ay successful na sa kanilang career.

12. Minsan gusto mo na lang magkaroon ng sariling business para hawak mo ang oras mo.

Lahat naman ata ng tao dumaan sa ganyang sitwasyon. Normal lang iyan. Subukan mong makipagkuwentuhan sa mga kaibigan mo. Magbahagi kayo sa isaโ€™t isa ng mga plano ninyo sa buhay. Assess your progress in your careers. Kaysa mag-inuman kayo at pumunta sa bar, mas maganda ng magdaos kayo ng Quarter Life Party! Mukhang gusto kong gawin ang party na iyon! Magluluto kami ng spaghetti tapos may iced tea. Party party na! Siyempre ang goal ay makapagbahagi ang bawat isa ng kani-kanilang saloobin sa kanilang buhay (trabaho, lovelife, spiritual, personal, etc.).

Kami ng mga kaibigan ko dito sa Los Baรฑos may tinatawag na life group. Binubuo kami ng mga young professionals. Tuwing Huwebes ay nagkakaroon kami ng life group meeting. We talked about life. We support one anotherโ€™s dreams. We encourage each other. We shared our learnings.We prayed together. Masaya sa life group! Join ka sa amin! Contact me at iamdoctoreamer@gmail.com ๐Ÿ™‚

Pero alam mo kung bakit minsan ay nararanasan natin ang crisis na ito? Kasi hindi natin naiintindihan naย there is time for everything. Minsan happy-go-lucky tayo. Minsan gastos dito, gastos doon. Minsan gala dito, gala doon. Minsan inom dito, inom doon. Minsan wala tayong pakialam sa bukas dahil ang iniisip lang natin ay ang ngayon. Minsan isip bata tayo. Minsan basta basta na lang ang pagdedesisyon natin. Pero ang mga minsan na iyon ay malaki ang epekto sa ating forever. Ano daw?hehe

Anyway, basahin mo itong isa sa mga paborito kong paalala ni Tito Mon.

For everything there is a season.
A time for every activity under heaven.
A time to be born and a time to die.
A time to plant and a time to harvest.
A time to kill and a time to heal.
A time to tear down and a time to build up.
A time to cry and a time to laugh.
A time to grieve and a time to dance.
A time to scatter stones and a time to gather stones.
A time to embrace and a time to turn away.
A time to search and a time to quit searching.
A time to keep and a time to throw away.
A time to tear and a time to mend.
A time to be quiet and a time to speak.
A time to love and a time to hate.
A time for war and a time for peace.

Tapos ka na ba sa Quarter-Life Crisis? Paghandaan mo naman ang Mid-Life Crisis. ๐Ÿ˜‰

Photo Credit (here)

Advertisements

21 comments on “The Quarter (Love) Life Crisis

  1. Cedie
    May 5, 2017

    Thank you for sharing the link to this entry. Swak na swak. Tama ka nga, ito nga yung moments ko now. Haha. Mga gano pa katagal bago ko makalampas sa phase na to? ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

  2. mamontesclaros
    July 26, 2015

    So you publish books pala! I want, too! Sana maging part din ako ng book mo in some other time! gusto ko rin magshare eh. actually, have tried making one sa wattpad pero dinelete ko lang din anyway nice blog! ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 26, 2015

      Hehehe It was just a high school dream. Goal ko lang magka-book by the age of 25. And I pursue it. Ayun, nag-self published ako. Nagpaprint ako ng 143 copies and binili naman ng mga friends ko. I did some launching din. Di naman bongga. Just bday celebration lang. Just go on! Pursue your dreams. Dream and make it happen. ๐Ÿ™‚ Thanks for the kind comment. ๐Ÿ™‚ Cheers to blogging. God bless. ๐Ÿ™‚

      Like

  3. Bittit
    June 25, 2015

    salamat sa pagbabahagi neto. โ˜บ๏ธ

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 25, 2015

      Welcome. I don’t know if may mga naranasan ka na sa mga iyan, pero mostly ng mga agemate ko, at some point, naranasan nila iyan.hehe

      Like

  4. john tugano
    June 8, 2015

    count me in.

    Liked by 1 person

  5. john tugano
    June 8, 2015

    wow nmn,

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      June 8, 2015

      Nakarelate kaba bro? ๐Ÿ™‚

      Like

      • john tugano
        June 8, 2015

        yes doc. ang galing hehe. btw your book seems interesting..=)

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        June 8, 2015

        Bili ka. ๐Ÿ˜‰ Ubos na ang 143 copies kaya nag-iipon pa ako ng mga orders para sa 2nd printing. ๐Ÿ™‚

        Like

      • john tugano
        June 8, 2015

        how much, Doc?

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        June 8, 2015

        200. ๐Ÿ™‚ Saan area kaba? LB kasi ako nakabased. Hanggang Calamba lang ang pwede kong meet up. Kapag Manila na, usually JRS express. So additional 100 ang shipping ๐Ÿ™‚

        Like

      • john tugano
        June 8, 2015

        San pedro laguna lang aq. =)

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        June 8, 2015

        I’ve sent you an email. Check mo na lang. ๐Ÿ™‚

        Like

  6. inhershoesrk
    May 27, 2015

    Love the title. Wish I could read it.

    Liked by 1 person

  7. Marlene Legaspi-Munar
    May 20, 2015

    Tumpak ang sinabi mo, Doc dahil napagdaanan ko na yan (a long time ago) at may mga anak at kaibigan akong nasa quarter life. Ngayon kung gusto naman ng readers mo na paghandaan ang midlife, puwede naman nilang basahin ang Life in the Middle: The Search for a Satisfying and Significant Midlife ni Marlene Legaspi-Munar. ๐Ÿ™‚ Keep writing, Doc!

    Liked by 1 person

  8. raskihn
    May 19, 2015

    OMGeee..relate much! doc gus2 ko rin magkaroon ng copy ng “LOve is Blog”

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: