Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Itanong mo kay Doctor Eamer (Part 1)

payo_ok

Madami na din pala akong nasagot sa mga nagtatanong sa akin sa http://ask.fm/Doctor_Eamer. Kaya naman ilalagay ko na ito sa isang blog post.

1. Kuya, paano ko malalaman kung may gusto sakin yung tao? Haha

5_18_15_(1)Alam mo yung ginagawa sa movie, yung suspect na pinapaamin? Pwede yun.haha! Yung may ilaw effect. Ano aamin kaba na may gusto ka sa akin?LOL!

Seriously,bakit mo gustong malaman na may gusto siya sayo? Minsan mas mahirap na may nalalaman ka. Since kuya ang tawag mo sa akin, I assume younger ka. So students ka. Hmmmm.. Aral muna! Pag graduate mo, sasagutin ko yan. 🙂

2. Doc, totoo po ba ng destiny?

5_18_15_(2)Totoo! Pangalan nga iyan ng church namin eh! Totoo yan kasi may anak nga sila eh! Diba? Destiny’s Child!haha LOL!

Seriously, nakita mo na ng ambigram na ito?

destiny-realityDESTINY kapag binaligtad REALITY.

Need I say more? Totoo yan!

Naniniwala ako na I am destined for great things! Malinaw yan sa Word ni Lord. He has great plans for me. A great hope and a great future. Read it for yourself. Jeremiah 29:11. 🙂

3. May girlfriend ka na?

5_11_15_1WALA. Bakit may problem ka doon?

WALA. Ginagaya ko ang president ng Pilipinas.

WALA. Para may kakampi ka. Certified Single.

WALA. Ano ‘yon? Wala pa sa bokabolaryo ko ‘yan.

WALA. Antagal mo kasing dumating eh.

WALA. Akala mo lang meron. Pero Wala! Wala! Wala!

4. Bakit po ang pogi pogi nyo? 🙂

5_18_15_(3)Ganoon talaga. I am wonderfully made eh. 🙂 Kindly refer to Psalm 139:14. 🙂

5. A teacher loves his student. Eleven years ang age gap. What are the chances?

5_18_15_3Same chance na kapag nag-toss ka ng coin ang lalabas ay head. 50%. Lahat naman ng bagay laging may 50% chance (Either yes or no). Pero may mga factors na nakakaapekto sa chances na iyon. Kaya ang probability ay naapektuhan. Medyo statistical term iyon. Puwede namang gawan ng formula.haha

The probability of the teacher and student na magkatuluyan is directly proportional to the following:

  • Maturity nilang dalawa. The higher the maturity, the higher the probability.
  • Acceptance ng mga taong nakapaligid. Kahit pa sabihin natin na walang pakialam ang mga tao sa magiging relasyon nila. The truth is maapektuhan talaga sila ng mga “usap-usapan”. The higher the acceptance, the higher the probability.
  • Other factors (madami iyan!)

Personally, hindi ako sang-ayon sa sobrang laki ng age gap. I’m ok with 4-6 years age gap, given na ang matanda sa kanila ay ang lalaki. Kanya-kanyang pananaw iyan.

Ok lang sa akin ang teacher-student relationship as long as MS or PhD na ang estudyante. Provided na walang commitment ang both parties. In short, walang third party.haha Walang sabit dapat. Hindi tayo nagpopromote ng mga ganoong klaseng relasyon.

6. Meron lang po sana akong gustong tanungin, meron po bang ibang kulay yung pagkakataon na ilang beses mong nakikita yung isang lalaki na laging naka tingin sa isang babae, pero ang problema hindi sila close, churchmate lang sila.

5_11_15_2Meron din akong tanong, so tingin ka din nang tingin doon sa lalaking tingin na tingin doon sa isang babae? So churhmates kayo 🙂 So bakit mo lagi siya tinitingnan? Kasi hindi mo naman masasabi na lagi siyang nakatingin doon sa girl kung hindi mo din siya tinitingnan diba?LOL!

Wala namang kulay iyon lalo na kung yung babaeng tinitingnan ng lalaki ay preacher pala. Hahaha! Siyempre no choice siya kundi tumingin sa nagsasalita diba?LOL

Seriously, pagalitan mo yang lalaki. Bakit kung kani-kanino pa siya tumitingin, eh nandiyan ka lang naman.haha

Serious na talaga. I can’t comment much since the data/information is not sufficient. You know the best strategy para malaman kung may kulay iyon? Intentionally, paupuin mo si babae sa chair sa likod mismo ng lalaki. Kung titingin pa din si lalaki, for sure may kulay iyon.haha Pero sabihin mo din sa lalaki na makinig sa nagsasalita sa unahan ha! 🙂

7. (a) Ano po opinion niyo sa Christian bestfriends of the opposite sex? We’ve been bestfriends for six years and our friends think that there is something going on between us. Pero wala naman po. Di din naman po masasabi na hadlang siya sa spiritual growth ko kasi po siya ang tumulong sa’kin na talikuran ang kapahamakan, kasi po na-depress ako and naging suicidal. Siya po yung nandun para sabihin sa’kin na nandyan lang ang Panginoon. (b) How do you let go?

5_18_15_4(a) Personally, I’m not in favor of having bestfriends of the opposite sex. Kung ako ang lalaki na manliligaw sa isang babae, hindi ako magiging kumportable na may bestfriend siyang lalaki. Since babae ka, ang implication ay ganito… Baka “turn off” pala sa isang guy na may gusto sa iyo ang ganoong sitwasyon. Personal opinion lang naman iyon.

Much better if babae ang maging bestfriend mo. Ideally kasi, ang isang couple (mag-asawa) ay nanggaling (or patungo) dapat sa isang “bestfriend” relationship.

My deduction is this.. isa sa inyo ang looking forward sa isang serious relationship in the future para sa inyong dalawa.

Para naman sa justification mo, ito ang masasabi ko.. hindi lang naman dapat siya ang tumulong sa iyo. Since Christian ka, for sure may spiritual leader ka. You can also seek advice to your pastor. Of course, kahit naman sinong tao na nalaman na suicidal ka, ang sasabihin sa iyo ay nandiyan si God.

Don’t get me wrong, pero there should be boundaries sa inyong dalawa. Mahirap kasi na maging dependent ang isa sa bawat isa. You can make efforts on finding friends of the same sex. Kung wala kang Makita, then pray kay God na makatagpo ka ng friends of the same sex. Madami ka naman puwedeng Makita within your church.

Anyway, ikaw lang ang nakakaalam ng motibo ng puso mo. Deal it with God. I challenge you to ask the perspective of your pastor regarding this matter.

(b) Medyo vauge ang question. Let go of what? Doon sa bestfriend mo?hehe Generally, if you want to let go.. follow Nike! Just do it. Don’t ask how. Ask why. Why do you need to let go? Because it’s for your own good. There is more to life. Move on!

TUWING LUNES, natanggap ako ng mga katanungan 🙂 Puwede mo itong ibigay sa iamdoctoreamer@gmail.com o sa http://ask.fm/Doctor_Eamer.

 

Advertisements

2 comments on “Itanong mo kay Doctor Eamer (Part 1)

  1. Ichigochii
    June 29, 2015

    Nice! Hahah 😂😊

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 18, 2015 by in Advices and tagged , , , , , , , , , .
%d bloggers like this: