Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Would you like to go on a date with me? Let’s have some milk tea.

milktea_ok

Malamang ay nakarating na din sa iyo ang balita tungkol sa nakamamatay na milk tea. Ano ang masasabi mo sa pangyayaring iyon?

Sigurado ako na bumaba ang sales ng maraming tea shop na nagbebenta ng milk tea. Siguro ang iba ay nagbaba ng presyo at ginawang seven fifty (PhP 7.50) at sinabayan ang kanta ng Ariel, “Finally, milk tea, seven fifty!”

Sa totoo lang, gustong gusto ko ang milk tea. Ito ang palagi kong binibili sa isang tea or coffee shop. Pero kung tatanungin mo ako kung titigil na ba ako sa pagbili nito, HINDI ang isasagot ko. May mga nagsasabi na isolated case daw ang nangyari. Mayroon din namang haka-haka na nilagyan talaga ng lason iyon.

Minsan ganyan ang tingin ng ibang tao sa atin. Kahit napakarami mo nang ginawang mabuti at magagandang bagay, magkamali ka lang ng isa, iba na ang tingin nila sa iyo. Minsan kahit hindi naman talaga totoo, at may biglang kumalat na tsismis, sira pa din ang imahe mo. May connection ba sa milk tea? 🙂

Hindi ko alam kung sasama ang kaibigan mo sa iyo kung magyayaya kang mag-date kayo tapos sasabihin mo na magmi-milk tea kayo. Maaaring sabihin niya na sa ibang lugar na lang kayo pumunta o tanggihan niya ang alok mong date. Pero kung iyon ang unang pagkakataon mong magyaya para sa isang date, binabati kita! You made it! You conquered your fears bro! It’s okey to be rejected than not trying at all. Lalim! Pero hindi iyan #hugot. Naalala ko lang kasi ang ginawa kong short love story. Ang part 3 kasi ay ‘I am Dating a Blogger’. Usapan at kuwentong first date iyon. (Read the Part 1: ‘Ang Crush Kong Blogger‘ and Part 2: ‘Akala Ko Siya Na‘)

Okey lang naman makipag-date basta ang perang gagamitin mo ay sa sarili mong sikap. Baka naman baon mo pa iyan! Huwag ka munang makipag-date kapag ganyang estudyante ka pa! Ipunin mo ang pera mo dahil magagamit mo iyan sa mga field trips at projects mo. Puwede ka ding sumali sa isang science investigatory research competition. Gumawa ka ng isang recipe ng tea. Subukan mo ang malunggay tea. Dahil uso naman ang malunggay bread ngayon, baka pumatok din ang malunggay tea. Walang malamig na malunggay bread sa mainit na malunggay tea.lol!

Kapag nauso iyon, dapat umisip na tayo ng pangalan noon dahil masyadong mahaba bigkasin ang “malunggay tea“. Puwede ang MALU TEA. (Kamusta ka? Ito okey naman, malu-tea naman.haha) Puwede din ang GAY TEA. (Mga tol tara libre ko kayo! May alam akong inuming pampamacho daw. Subukan natin ang Gay Tea!)

Speaking of tea shop, mukhang mapapadalas ako na pumunta sa ganoong lugar sa mga susunod na araw dahil lay-outing na ako ng aking libro na LOVE is BLOG. Self-published lang ito. Special limited edition din. Birthday gift ko sa sarili ko para sa paparating kong kaarawan. 🙂

Ikaw? Excited ka na ba para sa una mong date? Have the courage to ask her! ❤

“Okey lang na malason sa isang milk tea date basta makasama lang kita. Milk tea pa more!” –Doctor Eamer

Advertisements

19 comments on “Would you like to go on a date with me? Let’s have some milk tea.

  1. Ruby Caberte
    May 3, 2015

    I am more of a coffee drinker but I started drinking milk tea last year. My favorite flavor is coffee milk tea! Hahaha… Anyway, I will still drink milk tea. I believe it was an isolated case. This is the first time I heard of people dying from drinking milk tea.

    Like

  2. Elizabeth O.
    April 27, 2015

    I doubt if he or she would agree to go. So many people are scared with this incident, especially that we still don’t know what made it poisonous.

    Like

  3. Maria
    April 27, 2015

    I love rock salt and cheese. Medyo takot mga tao ngayon with the milk tea and I think pass munasila if milk tea date “)

    Liked by 1 person

  4. No more pearls for my milk tea. Ang sarap pa nmn.lol

    Liked by 1 person

  5. Aby
    April 22, 2015

    haha dahil sa trending na milk tea medyo nakakatakot bumili pero kun sa kilala nmn okay lang yan. Go push ang date hahaha lol

    Like

  6. Melgie
    April 22, 2015

    I saw the news at naloka ako bigla. Right after she drink the tea she’s already throwing up and it lead to her death. Thanks for this fun article nakakatawa. Have fun sa outing.
    http://www.wish4less.com

    Like

  7. Nilyn Matugas
    April 22, 2015

    haha! milk tea pa more! 🙂 Naalala ko tuloy yung meme na nakita ko sabi:
    Si Ben 10 (picture in ben10)
    Si Ben Eleven (logo ng 7-11)
    Si Ben Pipti (picture ni Ariel)

    haha. Napakasikat ni Milk tea at ariel ngayon, di na tuloy napansin na singko nalang ang surf. lol.

    Anyway, congratulations on your book. Sana mabasa ko din yan. 🙂

    Liked by 1 person

  8. marichu
    April 21, 2015

    ang cool ng title ng post mo sir. catchy!

    www,chubs10182014.blogspot.com

    Liked by 1 person

  9. theresa
    April 21, 2015

    Milk tea is love. Haha.. Wag na lang palagyan ng Tapioca. Yun ang haka-haka ng lason daw o (kemeng) kemikal. Haha

    Liked by 1 person

  10. Allan
    April 20, 2015

    I agree that this is only an isolated case of food poisoning which really caused to make the milk tea market down.

    Liked by 1 person

  11. Mommy Maye
    April 20, 2015

    That news of milk tea makes me not want to buy milk tea again. I like that tapioca pearl pa naman and my husband bought a kilo of that when we went to Divisoria. Not for sure hindi na din nya gugustuhin bumili. Hehe.

    Liked by 1 person

  12. Buti na lang. I don’t drink milk tea and never pa nakatry. 🙂

    Liked by 1 person

  13. sikat101
    April 19, 2015

    Funny. That what a freak accident. I hope they will know what made the milk tea poisonous. Good thing I do not frequent milk tea shops.

    Liked by 1 person

  14. Dominique Goh
    April 19, 2015

    I don’t drink milk tea anymore as I’m currently on a diet. It’s green tea without any sugar on most of the days now.

    Liked by 1 person

  15. mayen
    April 18, 2015

    I love milk tea too. Siguro sa ngayon DIY milk tea na lang muna. Mas safe and control mo ang mga nakalagay na ingredients. Good luck sa book mo. At tamang wag munang makipag date kung nag aaral pa. Ipon ipon muna. 🙂

    http://www.hintofglitter.com

    Like

  16. yolomoments12
    April 18, 2015

    Excited ka na ba para sa una mong date? Have the courage to ask her!

    Me: Soon! #milkteapamore

    Like

  17. roamulofied
    April 14, 2015

    bro, we share the same sentiments. especially on that part when you compared the incident with a person’s image, i made a similar write up about that. very nice bro!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 14, 2015

      Thanks bro! Put that blog link here at you comment. I want to read it too. 🙂

      Liked by 1 person

      • roamulofied
        April 14, 2015

        bro nasa FB ko. its more of a status-slash-thought to ponder than a complete blog hahaha. mas astig tong sayo.

        Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 14, 2015 by in Courtship & Dating and tagged , , , , , , .
%d bloggers like this: