Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Hindi ka tunay na lalaki kung…

realmen2_ok

Ito ay sequel ng nauna kong post na “POGI Problems.” Ito ay ilan lamang sa aking pananaw sa kung ano ba ang tunay lalaki <real man> pagdating sa isang relasyon <real-ationship>. Pero gagamitin ko ang negative format. Hindi ka tunay na lalaki kung…

1. Iniaasa mo ang lahat sa tadhana.

Doctor Eamer’s FB post: Hindi ako pupunta sa Baguio para makita ko ang aking tadhana. Pupuntahan kita sa inyo dahil alam ko ikaw ang aking tadhana. Oo, ipagpapaalam kita sa iyong mga magulang kung maaari na ba kitang ligawan.

Naniniwala ako sa destiny (a matter of fact, Destiny ang name ng church namin). Naniniwala ako na I am destined for greatness. Naniniwala ako na may plano ang Diyos para sa akin (Jeremiah 29:11). Pero kung sa tadhana mo na lang iaasa ang lahat, walang mangyayari sa iyo.

Umaasa ka na lang na kung ila-like niya lahat ng pictures mo sa FB, siya na ang babaeng para sa iyo. (For some of the girls) Umaasa ka na lang na kung sa loob ng isang buwan ay dapat parehas ang kulay ng suot ninyong damit pagpunta sa church, siya na ang The One mo. Umaasa ka na lang na kung kukuhanin niya ang number mo, siya na ang Prince Charming mo. Umaasa ka na lang na kung makakabangga mo siya sa kalsada at mahuhulog ang mga gamit mo at pupulutin niya tapos ngingiti siya sa iyo, siya lang ang papayagan mong manligaw.

Kahit nga ang pananampalataya kailangan ng gawa (James 2:14-22), ang tadhana pa kaya? Naniniwala ako sa tadhana pero naniniwala din ako sa logic at reality. At naniniwala din ako sa divine intervention.

Huwag mong iasa lahat sa tadhana. Maging decisive ka bro! Kung sa tingin mo ay siya na si The One, mag-the moves na. Pero mahabang usapin din kasi kung paano mo malalaman na “siya” na talaga. Isang blog post iyon kapag nagkataon. Abangan. 🙂

2. Hindi mo siya kayang harapin ng personal.

Doctor Eamer’s FB post: Nakilala mo sa text. Niligawan mo sa text. Naging kayo sa text. Nag-away kayo sa text. Nag-break kayo sa text. Nagkabalikan kayo sa text. Nagpropose ka sa text. Na-engage kayo sa text. Sige sabihin mo sa akin, ikakasal ba kayo sa text? I’ll congratulate you sa text na lang.

Nakakalungkot dahil may iba sa atin na ang tingin sa isang relasyon ay laro lang. May mga tinatawag silang online BF o online GF. (For all the girls) Kung maari, huwag na huwag kang papayag na magpaligaw sa text. Hayaan mo siya na puntahan ka sa inyo. Kausapin ang magulang mo at kilalanin ka ng personal. “I love you” dapat hindi “e-love you”.

3. Wala kang balak tuparin ang mga pangarap mo.

Doctor Eamer’s FB post: Sabi mo mag-aaral kang mabuti. Sabi mo tatapusin mo ang pag-aaral mo. Sabi mo tutuparin mo ang pangarap mong maging inhinyero. Sabi mo iaahon mo sa hirap ang pamilya mo. Pero bakit ngayon puro babae ang inaatupag mo?

Praktikal naman ito. Sige, unahin mo ang pag-ibig na iyan. Tingnan natin kung mapapakain ka ng pag-ibig na iyan. Lalo kung nagkaanak ka, kawawa ang bata. Sabi nga ni Pep sa blog ko na “Ang Crush Kong Blogger“, “Pangarap muna bago ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay maaaring makasira sa pangarap kung hindi ka pa handa. Pero kapag inuna mo ang pangarap, ituturo ka nito sa tamang pag-ibig.

4. Hindi mo nirerespeto ang pagkababae niya.

Doctor Eamer’s FB post: Ang tunay na pagmamahal ay hindi parang larong baseball na dapat maka-1st (2nd or 3rd) base. Ang tunay na pagmamahal ay tulad dapat ng larong basketball, mayroong ring. Girls, you are worth an engagement (wedding) ring, not a condom. Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi laro.

Nagpadala ka dahil lahat ng barkada  o katrabaho mo sa opisina ay naranasan na ang tinatawag nating “sex” at kinukutya ka nila na mahina ka o di kaya’y hindi ka lalaki dahil “virgin” ka pa. Para sa akin, isa pa rin ito sa pinakamagandang regalong maihahandog mo sa iyong magiging asawa. Hindi dahil ginagawa ng karamihan ay iyon na ang tama. Majority is not always right. 

Kung sakaling ilang relasyon na din ang ang napagdaanan mo at naibigay mo ang iyong “puri”, hindi kita huhusgahan. Lahat naman ng tao maaari pang magbago. And that change is for the better. Kung may mga katanungan at paglilinaw ka sa mga sinabi ko, contact the doctor.

Photo Credits (here)

Advertisements

4 comments on “Hindi ka tunay na lalaki kung…

  1. tffnyreyes
    March 3, 2015

    Bagong spelling ng pangalan ko yan ah ayus!

    Liked by 1 person

  2. tffnyreyes
    March 3, 2015

    Hindi ka tunay na lalaki kung hindi mo nirerespeto ang pamilya nya. May mga lalaki na sadyang meju duwag at hindi kaya ipagpaalam ang isang babae sa pamilya nya. Andami pang pde idagdag! haha

    Liked by 1 person

  3. tffnyreyes
    March 3, 2015

    Magaling magaling magaling! Cheers!

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: