Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Coming Soon: POGI Problems Conference

pogiproblems_ok

Marahil ay kilala mo naman si Ramon Bautista diba? Sa pagkakaalam ko siya ang nagpauso ng hashtag na #pogiproblems. Nakakata(u)wa ang mga posts niya sa kanyang FB page: facebook.com/pogiproblems. Ito ang ilan sa mga sobrang nata(u)wa ako:

1. Nag-jogging lang ako kaninang umaga, pagtingin ko sa likod ko naging fun run na.
2. Mula noong nagsimula akong mag-aral, pinangarap ko nang mapabilang sa class officers bilang President. Wala eh Escort lagi ang patak ko.
3. Sa mga girls, huwag kayong magtaka kung matagal akong mag-reply, mga 100 kayong katext ko.
4. Nagmukhang all-girl-school ang pinasukan ko dahil sa dami ng babaeng nag-enroll makita lang ako.
5. Sa sobrang pogi ko, noong nag-audition ako sa Mr. Pogi, ako pa ang naging judge!
6. Tinanong mo ko kung ano ang english ng “mahal kita”. Tapos noong sinagot ko, napaiyak at kinilig ka.
7. Nasasaktan ako kapag sinasabihan akong pogi. Kasi nga truth hurts.

Siyempre hindi naman papatalo si Doctor Eamer (facebook.com/iamdoctoreamer) sa mga #pogiproblems kaya nakaisip siya ng ilang mga linya. Mga orihinal niya itong naisip.

1. Napatingin ka lang sa akin nang matagal, nagkasakit ka na agad? TITIGDAS iyan. Magpatingin ka na kay Doc.
2. Nagsuot na lang ako ng wedding ring para hindi na sila umasa.
3. Nagpatayo ka daw ng loading station sa katabi ng apartment namin para lang kung sakaling magpaload ako ay makuha mo ang number ko.
4. Pinapatakbo nila ako bilang senador sa darating na eleksiyon. Para naman daw may pogi na sa Senado.
5. Nagvideoke lang kami ng mga LGmates ko tapos noong kakanta na ako biglang libu-libong girls ang nagpuntahan, akala nila concert ko daw.
6. Gumawa ako ng bagong Facebook account kanina sa pc ko sa bahay. Kumain lang ako ng lunch, pagbalik ko sa pc, nagulat ako sa dami ng friend requests.
7. Kinukuha akong leading man sa next movie ni Kathryn Bernardo (Ikaw ang Forever Ko). Hindi ako pumayag kasi alam kong madaming girls ang masasaktan.

Dahil sa mga kumakalat na ganitong linya o banat, ang mga kalalakihan ngayon ay medyo nalilito kung ano ang gagawin nila sa kanilang kapogian. Problema nga iyon. Naalala ko tuloy si Mr. Pogi na napanood ko sa isang video. Dahil sa kanya, nakagawa ako ng blog post dati: Lord, bakit po ang guwapo ko?

Pero sapat na ba ang kaguwapuhan para umasenso sa buhay? Solusyon ba ang kaguwapuhan para mabawasan ang bilang ng taong nagugutom at naghihirap? Ano nga ba ang basihan ng kaguwapuhan?

Bumisita ako sa blog ni Pastor Dennis Sy: Act Like A Man. Title pa lang naging curious na ako. Paano nga ba dapat umasta ang mga totoong pogi. Paano nga ba magiging “gentleman” ang isang pogi na tulad mo? Ito ang pito sa mga articles na aking nabasa sa www.actlikeaman.org at dapat din basahin ng mga pogi na tulad mo (just click the link):

1. My 50 Shades Reflection
Hindi ko pa din napapanuod ito pero ang masasabi ko lang, “Hindi grey ang kulay ng totoong pag-ibig. Dahil ang totoong pag-ibig ay makulay.”

2. Three Reasons Why I Stopped Kissing My Girlfriend
Basahin mo ito lalo kung nasa isang relationship ka. Tapos, mag-comment ka din doon sa thread. Para may exchange of perspective.
3. Ending an Unhealthy Relationship
Lahat ng hindi magandang ugnayan, putulin na!
4. Why I Can’t Move On?
Sabi nga ng iba, “Madaling sabihin, mahirap gawin.” Tama naman, pero lahat ng mahirap nakakayanan kung sisimulan mo lang.
5. Four Reasons Men Cheat and the Heart of Cheating
Hindi lang pala sa exam may nandadaya? Pati sa relationship.
6. A Doctor Shares Her View on What a Real Man is
Alamin mo kung real man ka!
7. Para sa mga Nanligaw at Nasaktan.
Hindi ako maka-relate.lol! Ikaw ba?

Hindi ko alam if paano magiging posible na magkaroon ng seminar o conference patungkol sa isyu na ito. Alam kong maraming kalalakihan ang interesado at nagtatanong kung ano talaga ang totoong kahulugan ng pagiging pogi, guwapo at magarang lalaki. Sana mag-organize sina Sir Ramon Bautista at Ptr. Dennis Sy ng isang event patungkol dito. POGI Problems Conference. Sigurado pupunta ako sa event na iyon! 🙂

Gustong gusto ko talaga ang acronym na POGI! Presence Of God Inside. Balita ko ganyang pogi ang hanap ng mga girls. Kapogiang panloob. Sabi nga sa 1 Samuel 16:7, “People look at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.”

Pero balita ko ang paboritong life verse ng mga POGI ay Psalm 45:2 (NLT) – “You are the most handsome of all. Gracious words stream from your lips. God himself has blessed you forever.”

Ikaw, pogi ka ba? Eh di wow. 🙂

Kung interesado ka sa posibleng conference na ito, i-type ang POGI AKO at i-send sa iamdoctoreamer@gmail.com para kapag may nabalitaan akong event na tulad nito ay masabihan ko kayo thru email. 🙂

POGI lang, walang personalan.” –Doctor Eamer

PS: Habang wala pang POGI Problems Conference, baka gusto mo pumunta dito sa Act Like A Man (facebook.com/historymakersph).

Photo Credits (here)

Advertisements

2 comments on “Coming Soon: POGI Problems Conference

  1. Mia
    February 26, 2015

    Very nicely written Joseph! Natawa ako, na-entertain, nag-contemplate, nagkaroon ng bagong understanding, pero pinakaimportante sa lahat ay napahanga. Ang galing ng pagkasulat at pagka deliver ng message.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      February 26, 2015

      Wow! Thanks Ate Mia! Number one commenter talaga kita 🙂 I really appreciate those words. 🙂 Cheers to blogging! 🙂

      Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: