Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

101 Things About Me

sulyap_ok

Hindi lahat ng kulay berde ay bastos. Minsan kailangan mo lang ng kulay berde dahil gusto mo lang ng pagbabago. Ano raw?! Ang mga salitang may kulay berde dito sa blog article na ito ay ginawa ko ngayon – May 19, 2016.

Ngayon ko lang napagtanto na nababago din pala ang mga bagay-bagay sa isang tao.

Sabi nila na kung gusto kong mas ma-engage ang mga readers ng aking blogs, dapat lagyan ko ng personal touch. Hindi ko alam kung paano at gaano ka-personal ang sinasabi nila. Pero let me start with this entry. Nag-iingat din ako na magbigay ng sobrang personal baka kasi matulad ako doon sa isang bata na nakuwento ko sa isa kong blog, “Facebook Post.” Dapat maging responsable din tayo sa paggamit ng social media. Isa pa, baka may mag-stalk sa akin kapag sobrang personal ko. #pogiproblems LOL! 🙂

Here it is! Unang entry ko sa kategoryang PERSONALMadami na din akong nagawang personal posts. Just check it out!

akobaito

Ayan personal yan! Personal picture ko.lol! Nagpraktis gamitin ang effects sa camera ng phone ko.haha Kunwari mataba na daw ako.lol! Pinalobo ng unti ang cheeks.haha I love me!

101. Unang beses ko lang gagawin ang sumulat sa blog ng napakaraming (personal na) bagay patungkol sa akin. Not anymore.
100. Hindi ako mahilig mag-post ng personal sa blog ko. Madalas general topics on love and relationship ang sinusulat ko. Noong nakaraang election, puro #DuterteSeries ang ginawa ko.
99. Noong isang taon lang ako nagsimulang mag-blog. April 2014.
98. Tumblr ang aking unang ginamit na blog (transformedtobetransformer.tumblr.com)
97. Nagsimula lang ako sa WordPress noong October 2014. At umalis na din kamakailan lang dahil may sarili na akong domain.
96. Wala kasing comment section sa Tumblr kaya hindi ganoong ka-interactive. Gusto ko kasi ang mga palitan ng comments.
95. I really appreciate people/bloggers na nagko-comment sa mga articles ko. Mahilig din akong magcomment. Thanks guys!
94. Pero ang main reason kaya ako lumipat sa WordPress kasi blocked sa UPLB ang Tumblr. Mataas ata ang bandwidth. Kaya naman ako umalis sa WordPress ay dahil I want change. Mas maganda ang mayroong sariling domain para sa SEO na din.
93. Sa UPLB ako nagtatrabaho. Pollution Control Officer. Simple term is Environmental Officer.
92. Since May 2011 dito na ako nagwork sa unibersidad.
91. Research Associate ako ng aking thesis adviser noong una. Six months.
90. Permanent government employee na ako since October 30, 2012.
89. But I guess hindi ako permanenteng magtatrabaho dito. #futureplans #HMMMM
88. Thesis at comprehensive exam na lang ako sa aking MS Environmental Science degree. Hanggang ngayon.
87. Mas minamahal ko ang environment dahil sa MS ko. Pero mas mahal ko ata ang maghintay kaysa sa environment. LOL!
86. Language Proficiency at Reading Comprehension ang pinakamababa kong exam result sa UPCAT.
85. Buti engineering ang course ko. Chemical Engineering in particular. Parang gusto kong aralin ang marketing or business development courses, pwede ding IT. Dapat kasi may magandang career orientation kapag high school. Pero hindi naman ako nagsisi sa course ko. Astig kayang maging Chem Engg! Haha! Pero everything has a purpose naman. Just trust God.
84. Cum Laude graduate ako. (Thank you Lord!)
83. BS Accountancy ang gusto ko talagang course. Kasi nga magaling ako sa Math.
82. Best in Math ako noong high school.
81. Valedictorian din. Liliw National High School. (Don’t get me wrong, ‘di ako nagmamayabang. Nag-iinform lang.hehe)
80. High school ako unang nagkaroon ng girlfriend. 4th year ako, 1st year siya. Ngayon, wala pa din. Haha! #SinglePaMore
79. After that, never na akong nagka-GF until ngayon. (I think) it’s my choice. And change is coming!
78. First time kong gumawa ng maikling kuwento noong November 2014. Isinali ko ito sa Saranggola Blog Awards. First time ko sumali sa isang writing contest. Gusto ko na uling magsulat ng isang kuwento. Abangan!!!
77. Nanalo ng 3rd place ang entry ko na “Ang Crush Kong Blogger.” Pahabol! Nakasama ang blog ko sa Top 10 Emerging Influential Blogs in 2015. Ayos! 
77. Madali akong magkaroon ng crush. Crush for me is merely paghanga. No feelings involve.
75. Kapag may feelings na, ang tawag ko doon ay super crush.
74. I am extrovertly introvert. Ambivert ang tawag doon. 
73. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid.
72. Grade 6 ako unang nagkaroon ng crush. Si Miss W.
71. Hindi ko alam bakit ako inilaban ng guro ko sa editorial cartooning noong Grade 6. Hindi ako magaling mag-drawing pero kapag may gagayahan na image or picture, kaya ko naman i-drawing iyon.
70. Panlaban ako sa DaMath noong elementary.
69. Noong high school, pang-number 1 ako sa buong Laguna sa Sci Dama. Hindi ako nakalaban sa Regional Level. Napulitika ata ang iskul namin. Ibang iskul ang nailaban.
68. Division Level champion din ako sa Population Quiz. Sa Gumaca, Quezon kami lumaban ng Regional Level. Di ako nanalo. Wala nga akong nasagutan. Hindi nakarating ang reviewers sa akin. Karamihan sa contestants ay nabigyan ng reviewers. (Hindi ito rants. Nagbibigay lang ako ng information ulit.hehe)
67. Ang greatest disappointment ko noong high school ay hindi ako naging president ng Math Club.
66. May nanligaw sa akin noong highschool. Kamusta na kaya “sila”? Haha!
65. May mga naging ka-MU din ako noong highschool. Emphasis on “mga”. LOL!
64. College ang nagpabago sa buhay ko. Continuing change naman ang buhay.
63. September 22-24, 2006. Umattend ako ng Encounter God Retreat 7.
62. Salamat sa Students of Destiny (SOD) sa pag-invite sa akin.
61. Naging presidente ako ng SOD noong 5th year college ako.
60. Paborito ko ang sinigang. Gusto ko na din ng adabo.
59. Hindi ako mahilig sa carrots. ‘Di ko gusto ang lasa. I ate carrots now kapag sa salad.
58. Gusto ko lagi ng saging every after meal. Pineapple juice din.
57. Mabagal akong kumain.
56. Marunong akong magluto ng sinigang, tinola, at adobo. Yun lang.
55. Sensitive ang panlasa ko. Kapag ‘di ko gusto ang lasa ng ulam, mahina ako kumain.
54. Kaya pinapag-pray ko na masarap magluto si Mrs. Pagtananan. Hindi naman required pero I am hoping.
53. Madali akong maging kaibigan. Lalo sa online. Pero offline, palakaibigan naman ako.
52. Mahilig akong makipagkilala. For the sake of increasing my networks and contacts. But I am genuine once na nakikipagkilala ako. Hindi ako ang tipo ng lalaki na magpapakilala sa isang babae kung gusto ko siya. Sorry.
51. I love getting to know other people. Huwag lang sa panahong moody ako.
50. Hindi naman OA ang pagka-moody ko. One out of 10 times siguro na posibleng mangyari na maging moody ako.
49. Introvert ako kapag moody. Tahimik.
48. Nagiging extrovert ako once needed ng situation. Especially when I am with my LGmates.
47. Kakaiba ang sense of humor ko. Malalim. Kailangan mong gamitin ang utak mo kapag nag-joke ako. Matalino daw kapag ganoon. Haha!
46. Pero instantaneous akong mag-joke. Yeah.
45. I don’t like green jokes. I can make my own green jokes. See this.
44. Every year may target ako na isang Asian country na puntahan.
43.Thailand (Bangkok) ang unang bansa na napuntahan ko. That was August 2013.
42. Next ay Malaysia (Sabah). Noong June 2014.
41. This 2015, target kong puntahan ay Myanmar or Cambodia. Natuloy kami sa Ho Chi Minh, Vietnam. This 2016, I’m still thinking if saan.
40. Gusto ko magwork sa isang Non-Government Organization na related on environment, poverty reduction and values education. Gusto lang naman. Not necessarily mag-work talaga doon. Haha! I’m open to collaborations.
39. Gusto kong kumuha ng units sa Bible School about counseling. Pwedeng umattend na lang ng mga seminars.
38. Ok lang sa akin ang maging pastora’s husband. Depende.
37. Lately ko lang naisip na gusto ko pala ng kambal na anak. Sana.
36. Lately ko lang nalaman na ang nanay ng nanay ko ay may kapatid na kambal. Babae at lalaki. Namatay sila noong ipinapanganak sila. May pinsan ako na may anak na kambal din. Sina Hersheys and Kisses. So sweet names diba?
35. Dahil may katangkaran ako, underweight ang BMI result ko. Will be working on it.
34. Masaya ako sa mga road trips. Melan mode. Bus rides!
33. Excited akong mag-bus papunta sa isang probinsya. Gusto ko sa may window seat.
32. Kung commute naman papunta sa isang lugar at jeep ang sasakyan, gusto ko nakaupo sa may unahan. Katabi ng driver. Ayoko kasi nag-aabot lagi ng mga pamasahe. Huwag lang manigarilyo si Manong Driver.
31. Ang una kong sakay ng eroplano ay noong nagpunta kami sa Cebu ng aking ate. Thanks sa libre ate!
30. Hindi ko pa napupuntahan ang Boracay at Palawan. #bucketlist Done with Palawan.
29. Kapag ikakasal na ako, sa ibang bansa ang gusto kong honeymoon. Saan? #secret Depende kay Misis!
28. Comfort food ko ang spaghetti at chicken joy ng Jollibee. I now love Wanto Mami and Asado Siopao of Chowking.
27. Mahilig akong magtext (dati). Mas prefer ko ngayon ang email conversation.
26. Hindi ako mahilig tumawag through cellphone. Even mag-text.
25. Personal meet up is still the best. Done this many times.
24. Ayokong mamatay sa isang aksidente o sakit.
23. Gusto kong mamatay dahil sa katandaan. God, please. 🙂
22. Dahil matanda na, isang araw pagkatulog ko, hindi na ako nagising. That’s the way I want to die.
21. Pero mas mahalaga sa akin kung ano ang aking naiwan na legacy sa mundo. Did my life create a positive impact? I hope so.
20. I admire intercessors and prayer warriors. Dancers and singers. At yung mga sumasali sa Pilipinas Got Talent. Amazing!
19. Mahilig akong magdoodle. Pero hindi artistic. Abstract. Kung ano anong sulat. Scratch. Basta may magawa lang para ‘di antukin.
18. Mahilig ako sa ambigram. Gusto ko na ulit gumawa nito!
17. Lahat ng crush ko noong highschool ay nagawan ko ng ambigram. Name ko. Then kapag binaligtad, name nila. Nasaan na kaya ang mga iyon?
16. Madali akong ma-turn off sa girls na may bisyo. At malandi.
15. May crush akong blogger. But not super crush. Feeling ko crush niya din ako. MC? Mutual crush? LOL!
14. Online relationship is not for me. Yeah!
13. Long distance relationship is also not for me. But I am open for that (if ever). It’s just a matter of strategy and innovative way of communication. Yeah?
12. I’m not into dating. I prefer networking. The new face of dating.

Nagpunta ako sa PCBS Los Baños para sa book signing ni Tita Marlene Legaspi-Munar :-) Mukhang exciting ang mag-book signing :-) Hmmmmm... Madami din siyang ibinahaging tips as a writer. #excitedmuch

Nagpunta ako sa PCBS Los Baños para sa book signing ni Tita Marlene Legaspi-Munar 🙂 Mukhang exciting ang mag-book signing 🙂 Hmmmmm… Madami din siyang ibinahaging tips as a writer. #excitedmuch

11. I can easily connect to other people. (I think) that is a skill or a gift.
10. I love singing only at the bathroom. Praise songs!
9. Worship songs or preaching are my sleeping pills. I mean gusto ko lang na makinig ng mga ganoon kung patulog na ako.
8. I admire girls who can dance. Dances gracefully. Nakakatuwa silang panoorin. Like EC 🙂
7. I love pillows. Huggable pillows. Gusto kong magkaroon ng feather pillows!
6. I find it awkward talking to a person, eye to eye. I’m working on it.
5. I love parables. Talking in parables. Commenting in parables. Joking in parables.
4. I am excited for my own self-published book this year. Checked already!
3. I’ll be turning 25 this May. I’m already 26 by now. 
2. I am single by choice. <linkChange is coming.
1. I am a follower of Christ. (If you want to know more about my faith, contact Doctor EamerOf course! I will and always be. Amen.

Susubukan kong gumawa pa ng mas personal na blogs. Malay mo, dito ko ikuwento ang buhay pag-ibig ni Doctor Eamer. Personal tapos may mga tips at payo pa. Oh di ba? Parang interesting! Let’s see. 🙂

I am tagging here some of my WordPress friends. It’s not a challenge, but just in case you want to do 101 or more things about yourself, kindly tag me. Para mas makilala ko din kayo. 🙂 Yana, Ella, Jem, Mico, Katerina, Kathleen, Amae, Elvin, Ate Lisha, Kim, Xious, Melisa, Phen, Gretchen, France, Ate Mia, Tolits, Nico, Jordana, ThinkSayFeel, Cara, Jonathan, Mark, Fe, Rhege, Rox, Clauie, Ate Inah, Lon, Clang, Ruth, Dhenn, Jet, Tiffany, Mara, Mikael and Chen.

Ikaw, gaano mo ako kakilala? Pero sabi nga ng isang blog na nabasa ko, ang mas mainam na tanong ay gaano mo kakilala ang sarili mo? 🙂 Know God. Know yourself. Read Psalm 139.

Photo Credits (here)

Advertisements

67 comments on “101 Things About Me

  1. unjellanera
    September 10, 2015

    Gusto ko i-try tong 101 things about me haha

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      September 10, 2015

      Sure! Tag mo lang ako! You can check the comments. May mga pingback doon ng mga bloggers na gumawa nito.hehe I put the comments din noong iba. 🙂 Hope to read 101 things about you too! God bless!

      Liked by 1 person

      • unjellanera
        September 10, 2015

        Wait sorry. Di ako marunong sa pingback na yan haha sorry doc 😐

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        September 11, 2015

        Just put a hyperlink. Itong post na ito ang ilagay mo. Copy the link of this post, then yun yung ilalagay mo sa hyperlink once na gumawa ka na ng post. Para manotify ako. 🙂

        Liked by 1 person

      • unjellanera
        September 11, 2015

        Ahh akala ko may iba pang way. Hehe sige sige. Thanks, Doc! 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        September 11, 2015

        Welcome! aabangan ko yang 101 things mo!hehe

        Liked by 1 person

      • unjellanera
        September 11, 2015

        Salamat! Working on it na 🙂

        Liked by 1 person

  2. DJ
    July 15, 2015

    “86. Language Proficiency at Reading Comprehension ang pinakamababa kong exam result sa UPCAT.
    85. Buti engineering ang course ko. Chemical Engineering in particular.
    84. Cum Laude graduate ako. (Thank you Lord!)”

    Isko din pala!!! Saludo! Sana in four years, cum laude din ako! #UPD #freshie

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 15, 2015

      Kayang kaya mo iyan Damsel! Gawa ka din ng 101 Things About You.hehe 🙂 Go Iska!

      Liked by 1 person

      • DJ
        July 15, 2015

        sana po makaattend ako ng book signing nyo pag napublish na yung book! yayyy!

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 15, 2015

        Tapos na. 🙂 noong May pa. 🙂

        Like

  3. Pingback: ‘102 Things About Me’ | Cassiopeia

  4. Cassiopeia
    July 9, 2015

    I agree, Doc. Ang mahalaga, mas kilala mo ang sarili mo.
    Mas mahirap kilalanin ang sarili, kaysa sa ibang tao, sa totoo lang.

    Liked by 1 person

  5. Cassiopeia
    July 9, 2015

    Magaling sa Math, kaya pala nag-MATH101 ka sa comment box noong nakaraan. :))
    You are such an achiever, Doc!

    Wag ka mag-alala, Doc, marami ng ‘positive impact’ ang nagawa mo.

    Pwede rin ba kong gumawa ng 101 Things About Me? 😀

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 9, 2015

      Sure!!! Tag mo itong post na ito thru a hyperlink para manotify ako. 🙂 Thanks! I’ll look forward to that. 🙂

      Liked by 1 person

      • Cassiopeia
        July 12, 2015

        Doc. Doc! Doc?
        Marami-rami ka na pong babasahin na ‘Things About Me’ posts. 😀

        Liked by 1 person

  6. I have 3 reactions reading this:

    1. Sa maraming items – napapatango sa pag-agree, napapakamot sa pagiisip. 🙂
    2. Some of the items – umiyak ako sa kakatawa. 😀
    3. Sa mga piling items – napapa-“wow, ikaw na!” 😉

    All in all, this is a very nice article bro. Saludo ako sa’yo, keep the blogging spirit alive thru your posts. 🙂

    Liked by 1 person

  7. Jamina Bongabong
    June 3, 2015

    ‘Ang mas mainam na tanong ay gaano mo kakilala ang sarili mo?’ thank you Dr. Eamer :))

    Liked by 1 person

  8. Nicole Alexandra Chua
    May 7, 2015

    Same sa Sinigang pero sa Math mahina ako sa English mas okay HAHA Goodluck sa mga future plans and thanks for stopping by sa blog ko, much appreciated 😀

    Liked by 1 person

  9. Nathan
    April 8, 2015

    wow! 🙂 #101ThingsAboutme

    Liked by 1 person

  10. Pingback: 101 Things About the Beloved | In Pursuit of Intimacy

  11. akosiclang
    February 26, 2015

    Wow naman! Try ko nga din gawin ito… kaso ang dami naman kasi pwedeng kalahati lang? Hehe 🙂

    Liked by 1 person

  12. Mia
    February 26, 2015

    This is so refreshing to read! So introvert ka ba na may tendency to extroversion kasi parang nakaka-relate ako on this one :-). I would love to write a section like this on my blog pero parang di bagay sa food blog ko. I’m working on a more personal one na mas appropriate with this kind of information. I agree, it adds a more personal touch to your site. Love knowing more about you, Doc!

    Liked by 1 person

  13. Maccheb's Corner
    February 25, 2015

    Wow! Galing naman… Napanganga ako don Doctor Eamer. hehe 🙂

    Liked by 1 person

  14. Pingback: Ako: Isang Daan at Isa « Hidden Carte Blanche

  15. Pingback: 101 Things About Me | sunsets & daydreams

  16. Pinay Unlimited
    February 23, 2015

    Nice!

    30. Hindi ko pa napupuntahan ang Boracay at Palawan. #bucketlist
    (Palawan is soooooo beautiful, unahin mo na yun! 😉 )

    May ginawa na ako before na may personal na impormasyon ko rin. Hehe. Yung Slam Book Millionaire . 😀

    (https://pinayunlimited.wordpress.com/2014/08/28/slam-book-millionaire/)

    Like

  17. Ella Gamba
    February 23, 2015

    4. I am excited for my own self-published book this year – Wow! Congrats, kuya! Looking forward to read your book! 😀

    Liked by 2 people

  18. Jordana Mari
    February 23, 2015

    I will do this next week (after the midterms). Thanks doc! Nice knowing you better 🙂

    Liked by 1 person

  19. tffnyreyes
    February 23, 2015

    Gusto ko to! Nakakarelate ako sa mga siguro 10 bagay! Gagawa din ako nito sa next blog post ko! Salamat sa tag doc!

    Liked by 2 people

  20. Doctor Eamer
    February 23, 2015

    To all: I sent my reply to your personal emails. As I have said in #27 🙂

    Liked by 1 person

  21. Clauie Belle
    February 23, 2015

    Nice one, Doc! Iba ka talaga. Hahaha subukan ko ring gumawa ng ganyan 🙂

    Liked by 2 people

  22. littleapolita
    February 23, 2015

    that was a bunch of you why not 102? 🙂

    Liked by 2 people

  23. kolehiyalangnakaantipara
    February 23, 2015

    That reason of shifting from tumblr to wordpress. Hahaha. Same feels.

    Liked by 2 people

  24. ddleones
    February 23, 2015

    Classmate ko sa Messiah College si Phoebe Munar, anak ni Tita Marlene :))

    Pictures lang muna tinignan ko, mamaya ko na babasahin. Hehehe :)) Thanks, Doc!

    Liked by 2 people

  25. yolomoments12
    February 23, 2015

    Congrats sa “Crush Kong Blogger” balato naman diyan! Hands down ako sayo dami mo nang achievements bro! Cge gawa din ako #101ThingsAboutme #NextBlogTopic

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on February 23, 2015 by in Personal 101 and tagged , , , , , , , , .
%d bloggers like this: