Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Are you ‘single by choice’ or ‘single by chance’?

chancechoice_ok

Nakapunta ka na ba sa isang seminar o kahit anong event? Di ba minsan ang tagal magsimula? Kaya nga sabi ko doon sa blog ko (The Power of Waiting: Hihintayin ko SIYA) noong kamakailan na dapat maging productive habang naghihintay. Itong blog ko ngayon ay produkto ng aking paghihintay sa isang event. Actually event lang sa TV. The Voice! 🙂

Nagsimula ito noong naisip ko ang dalawang conversations:

Scene 1: 

Boy: Hi, I’m Bernard. I am single… <7 seconds pause>… Very very single.

Girl (single by choice): Hello! I am Busy. <No pause>… Very very busy. Bye!

End of conversation

Scene 2: 

Girl (single by chance): Mahal!

Boy: Tawag mo ako? Yes, what can I do for you?

Girl (single by chance): Kapal mo! Sabi ko, mahal. Mahal magpaaral ng mga kapatid. Mahal ang tuition nila! Bye!

End of conversation

Hayaan ninyong ibahagi ko ang aking pakahulugan sa tinatawag kong single by choice at single by chance.

Unahin natin ang single by choice:

  1. Sila ang mga taong ginusto lang talaga maging single (muna).
  2. Posibleng kagagaling lang nila sa isang relasyon na pinagsisihan nila at sobra silang nasaktan kaya ayaw na nilang maulit ito.
  3. Minsan ito ang paborito nilang linya “Pare-parehas kayong mga lalake! Manloloko.” Kung lalaki naman, “Ganyan kayong mga babae. Ginawa ko naman ang lahat pero bakit kulang pa din?
  4. Maaring man-hater or woman-hater sila.
  5. Madalas nagpapayaman muna sila. Financial freedom.
  6. May kilala ako, gusto muna magpakadalubhasa bago iwanan ang single life. MS, PhD, Post Doctoral. Sila na!
  7. Gusto nilang patunayan na “It’s more fun in the Philippines” kaya biyahe lang ng biyahe. Gusto nilang puntahan lahat ng tourist destinations bago sila pumasok sa isang relasyon. YOLO!
  8. Mas nakikita nila ang kanilang kasiyahan sa pagtulong sa ibang tao. Madami silang volunteer works at charity works na ginagawa.
  9. May panata sila na hindi talaga sila mag-aasawa kahit limang Yolanda pa ang dumating. Singleness Level 7.
  10. Masyadong malalim at may kabanalan ang kanilang pagtawag sa buhay. Misyonaryo. Buhay na dedicated kay God. I really honor these people.

Puntahan naman natin ang single by chance:

  1. Sila ang mga taong hindi naman ginusto maging single. Pero dahil sa ilang mga sitwasyon, single (pa din) sila.
  2. Pito silang magkakapatid. Panganay siya. Walang permanenteng trabaho ang magulang nila. May work na siya ngayon. Siya ang tumatayong bread winner sa pamilya. Magpapaaral pa siya ng mga kapatid. Wala siyang oras at kagustuhan na magkaroon ng lovelife (sa ngayon).
  3. Masyado siyang maganda. Sa sobrang ganda, walang lalaki ang gustong manligaw sa kanya dahil iniisip ng mga boys na baka madami silang kakompitensya. Man up bro! Take the risk!
  4. Sobrang protective ng parents niya. Kahit 24 years old na siya, hindi pa siya puwedeng magka-boyfriend. Dapat daw kapag 26 pa. Really?
  5. Solo lang siyang anak. Patay na ang tatay niya. Ang nanay naman niya ay bed-ridden dahil sa sakit na cancer. Wala pa siyang girlfriend kasi focus siya sa pag-aalaga sa nanay niya. Love is a sacrifice I guess.
  6. May kapansanan siya. Bata pa lamang siya ay hindi na siya nakakakita. Ngayon nasa wastong edad na siya, umaasa siya na hindi man siya makakita ng totoong liwanag at itsura ng mga bagay-bagay, makakita sana siya ng totoong pag-ibig. I know you will! Just believe!
  7. Walang gustong manligaw sa kanya dahil sa kanyang masungit at di magandang pag-uugali. Mataray. Matapobre. Mapanghusga. Mapang-abuso. Sinungaling. Makasalanan. Hindi pa huli ang lahat para magbago ka.
  8. Ilang babae na din ang kanyang niligawan. Ilang beses na din siyang umasa. Madaming beses na siyang nabigo. Marahil hindi pa lang talaga iyon ang will ni Lord para sa kanya. Fall seven times, stand up eight.
  9. Minsan na siyang nagkasala. Humingi na siya ng tawad sa Diyos. Pinapalaki niya ngayon ang kanyang anak. Iniwan siya ng nakabuntis sa kanya. Darating din ang tamang panahon na muli siyang iibig sa tamang pamamaraan, tamang pagkakataon, at tamang person. Rhyme!
  10. Wala pang lalaking nakaka-meet ng gusto niyang standards sa isang boyfriend. Pero hindi din naman kasi siya actively searching. Tingin niya, hindi pa niya panahon. Standards are not meant to limit you, but to guide you. Cheers!

Ikaw? Single by choice ka ba o single by chance? Puwede naman both kasi naroon pa din naman ang keyword. Single.lol! 🙂

Para sa akin, hindi naman importante kung single ka o hindi. Ang importante ay namumuhay ka na kalugod-lugod sa Diyos. Hindi ka nga single pero may live-in partner ka naman! Kung mahal ka ng kinakasama mo, papakasalan ka niya. Maaaring sabihin niya na wala pa siyang pera para pakasalan ka. Pero kung mahal ka niya, hahanap naman siya ng paraan. Maghahanap siya ng trabaho. Mag-iipon siya. Puwede naman na humanap ng sponsors. May mga mass wedding din naman na programa ang mga local government. Kung wala siyang balak na gumawa ng paraan, baka hindi ka niya talaga mahal at katawan mo lang ang habol niya. I am against pre-marital sex. I am against the concept of ‘live-in partner’. Congratulations pala sa wedding Yeng at Yan! 🙂

“Hindi ako single by choice. Hindi din ako single by chance. Dahil ako ay single by now.” – Doctor Eamer

Malabo ba ng sagot ko? Ok lang yan, basahin mo na lang din ang kuwento ni Boy Labo. Puntahan ang Boy Labo to Boy Linaw to Boy Ligaw to Boy Friend. Congratulations pala sa aking co-blogger at kay Boy Labo (noon)! Engaged na sila! Love is in the air! Makilasap na ng hangin ng pag-ibig!

Photo Credits (here)

Advertisements

44 comments on “Are you ‘single by choice’ or ‘single by chance’?

  1. Pinky Jhaney
    March 30, 2015

    By chance yata, I can relate with number 10 kasi. LOL

    Like

  2. sikat101
    March 30, 2015

    By chance! Dahil No. 7. Ayoko ko magbago. Di ko alam rason. Hala sige, by choice na lang. By… no choice! Fun blog, btw.

    Like

  3. Single by choice din ako nung nag-aaral ako so after ko magraduate pwede na magbf. I’m happy to say that my first bf is now my husband. 🙂

    Liked by 1 person

  4. Mommy Mecheel
    March 28, 2015

    I am married by chance and in paper lol why? Because I am a single parent right now by choice. Well, it’s a long story though. 🙂 Love this post..:)

    Like

  5. nilyncartagena
    March 28, 2015

    I am married by choice. 😀 Married to a man God had prepared for me before the world began. 😉

    Like

  6. Mayen
    March 26, 2015

    no longer single.. Fun read. 🙂

    Like

  7. michaelpunzal
    March 16, 2015

    Astig

    Liked by 1 person

  8. Alyssa
    March 10, 2015

    I’m single by choice and single by chance! Haha. I love this post. Wala eh. Ganito talaga ang buhay. 🙂

    Liked by 1 person

  9. John Aries Tudla
    February 26, 2015

    Sorry, I cant relate. HAHAHA 🙂 But I think, darating ang love sa takdang panahon at tamang pagkakataon 🙂

    Liked by 1 person

  10. Migs&Alaine (@migsandalaine)
    February 25, 2015

    I remember being single by choice until I reach 21. 🙂
    Being single is fun but you get to a point where you meet someone who’ll sweep you off your feet. Nice article to kill time. 🙂

    Liked by 1 person

  11. Samantha C.
    February 24, 2015

    I think people can be single by choice AND chance. They do not want to be hitched with anyone yet because they haven’t had the chance to find the ONE. 🙂

    Liked by 1 person

  12. Leo Kevin Mendiola
    February 23, 2015

    Single by choice or by now… Kahit ano pa yan… Ang importante masaya ang buhay. 🙂

    Liked by 1 person

  13. slickmaster
    February 23, 2015

    Honestly, even if sooner or later maging in a relationship ako (or ulit), I would still say single ako… by choice. Kasi pinili ko. Ginusto ko. It doesn’t matter kung anong sitwasyon yun. Besides, if I would wanna live my life, ika nga ng antigong kasabihan (pati na rin ng kanta ni Rico Blanco), kung gusto may paraan.

    Like

  14. littleapolita
    February 23, 2015

    By now. 🙂 haha

    Like

    • Doctor Eamer
      February 23, 2015

      Now or never.lol! 🙂

      Liked by 1 person

      • littleapolita
        February 23, 2015

        never? haha you’ll die sipping coffee alone sa umaga. malungkot yun doc haha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 23, 2015

        Tapos ang kape mo pa ay “Nescaffe”.. Maaalala mo ang commercial na “Para kanino ka bumabangon?” Saklap nga.lol 🙂 haha! For(n)evermore 🙂

        Liked by 1 person

      • littleapolita
        February 23, 2015

        super F talaga? haha one day babangon ka for someONE 🙂 haha nunupd ka nun noooo haha #pabebe :p

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 23, 2015

        Bagito lang pinapanood ko at Dream Dad.lol! 🙂 Pero abangan mo malay mo bukas iba na ang status ko.haha

        Liked by 1 person

      • littleapolita
        February 23, 2015

        maganada yun. 🙂 kaso bagito di ko na naabutan.

        Like

  15. florfullo0714
    February 22, 2015

    Single or not, may dahilan si God kung bakit nasa sitwasyon tayo. Pray and let God 🙂

    Liked by 1 person

  16. Jerboy Lupisan
    February 21, 2015

    Married by ‘force’ ako. Hehe.

    Liked by 1 person

  17. yvonnembertoldo
    February 21, 2015

    Dati, single by choice ako.hehe mahirap maging committed sa work ko dati as an acoustic singer. Interacting with different people will definitely make my partner feel uncomfortable talaga.

    Liked by 1 person

  18. Mitch Ryan (@mitchryan23)
    February 19, 2015

    There is happiness in being single that married individuals could only wish for and vice versa. So, there is nothing wrong with whatever status we are in, as long as we’re happy and experiencing life to the fullest.

    Liked by 1 person

  19. rainbowjournal
    February 19, 2015

    I agree, di naman importante kung single by chance o by choice o kung hindi na single. As long as you’re living life to the fullest. 😀

    Liked by 1 person

  20. tffnyreyes
    February 18, 2015

    btw doc, youth pastor ka ba?

    Liked by 1 person

  21. tffnyreyes
    February 18, 2015

    By choice and by chance. Half half eh. Hindi din siguro talaga forte na mag break ng standards. Lalo na kung ang ex is “the standard”. Gets? #whogoat 🙂 nice read!

    Liked by 2 people

    • Doctor Eamer
      February 18, 2015

      Hahaha! Nice comment 🙂 What if my standard is my EX 🙂 Gusto ko gawan ito ng blog.hehe Thanks for reading 🙂

      Liked by 1 person

      • tffnyreyes
        February 18, 2015

        HAHA! hihintayin ko yan. Sabi nga ni Katy Perry “Comparisons are easily done,
        Once you’ve had a taste of perfection”. Struggle to sa karamihan, siguro?

        Liked by 1 person

  22. Clauie Belle
    February 17, 2015

    Single by Choice: 5 kaming magkakapatid, pag-aaralin ko pa sila kasi hindi sapat ang kinikita ng aking ama, nasa rule book ko ang “bahay, lupa, kotse at ipon muna bago boyfriend”, “God first. Ministry works before boys.”, at masyado akong idealistic, kahit kailan, hindi bababa ang aking standards. Hahahaha 😀

    Nice one, Doc!

    Liked by 3 people

    • Doctor Eamer
      February 17, 2015

      Nasa rule book mo na at the age of 40 ka pa mag-boyfriend?hehe 🙂

      Liked by 1 person

      • Clauie Belle
        February 17, 2015

        Pano mo nalaman kuya? Hahaha 40 pa daw pwede sabi ni Ate Tin 😛

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 17, 2015

        Lahat kasi ng babaeng kakilala ko na may rule book, puro 40 ang nakalagay na time na mag-boyfriend.haha Yung iba nga, sinunog na yung rule book kasi 41 na sila.haha 🙂

        Liked by 1 person

      • Clauie Belle
        February 18, 2015

        Ay grabe. Hahahaha ayoko naman nun. Binabawi ko na 😛 magpapaligaw na ko starting today. Chos 😛

        Liked by 1 person

  23. yolomoments12
    February 17, 2015

    Na segway mo pa blog ko ha. Salamat bro . Galing!

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on February 17, 2015 by in Singlehood and tagged , , , .
%d bloggers like this: