Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

The Power of Waiting: Hihintayin ko SIYA

siyasoon_ok_ok

PART I.

Naranasan mo na bang maghintay?

Marahil naranasan mo na ang pumila sa MRT. Subukan mo na sumakay sa MRT North EDSA station tuwing Lunes, ewan ko lang kung hindi ka mapa-wow sa haba ng pila. As in! Kaya mas gusto ko talaga magtrabaho dito sa Laguna. Less pollution. Less hassle. Less stress. Less gastos. Sana lang talaga nararanasan iyon ng ating mga Senador o ng mga DOTC officials, para naman magkaroon sila ng first hand experience at ayusin nila ang sistema sa MRT.

Nasubukan ko na rin ang pumila para lang makakuha ng NBI clearance. Grabe!!!  Sa sinehan pa iyon. Alam mo ang pakiramdam na sayang ang oras mo! I must do something productive. Kaya malimit ay may dala akong babasahing libro. Madalas mga self-help books. Nagbebenta nga rin ako ng second hand books na nabasa ko na. Bisitahin mo ang www.facebook.com/muranglibro 🙂 Mura talaga!

Sigurado ako na marami sa atin ang nakaranas na ma-delay ang flight. Ilang oras? Grabe diba? Mas matagal pa ang paghihintay mo kumpara sa oras ng biyahe ng eroplano. Hindi ko pa naman naranasan na mag-overnight dahil sa delayed flight. Pero naranasan ko na ang maghintay ng matagal sa airport.

Ano ang pakiramdam mo sa matagal na paghihintay?

Pero tatanungin kita ng seryoso, hinihintay mo ba na dumating si The One? Ang tagal ba? Pero kapag dumating na siya, handa ka ba? Financially, emotionally, spiritually, etc. Minsan ganyan tayo, ang tagal natin naghihintay sa bus, pero kapag dumating na saka lang natin mapagtatanto na kulang pala ang pamasahe natin. Analogy ‘yan.

Ang gusto ko lang sabihin, prepare yourself. May trabaho ka na ba? Handa ka na ba sa isang buhay na in a relationship o buhay may asawa? Sana kahit papaano ay marunong ka sa mga gawaing bahay (for girls ata ito.hehe pero sa boys din naman diba?). Mas mainam kung masarap kang magluto. Gusto mo bang matuto magluto? Punta lang sa website ni Ate Mia, ang paborito kong recipe blogger (paid advertisement.lol): www.russianfilipinokitchen.com Magbawas bawas na din ng mga bisyo bro! Tigilan na ang DOTA, sigarilyo, alak, etc. Ayaw ng mga girls sa madaming bisyo.

Sabi nga Zig Ziglar “Success occurs when opportunity meets preparation.” Parang sa trabaho lang din. One time dadating ang magandang opportunity sa abroad pero passport pa lang wala ka pa. May bakanteng posisyon para sa promotion sa office niyo pero di ka naman prepared for that. Hindi mo kasi pinagbubuti trabaho mo.

So habang hinihintay mo siya o kung anuman (promotion, opportunities, breakthrough, last days, o rapture), be productive and prepare. 🙂

There is power in waiting if you know how to maximize and utilize it. Waiting will teach you faith, endurance, focus, and value of time. Kaya hintay hintay lang ‘pag may time.

Salamat sa pagbabasa. Puwede mo na itigil dito kung hindi kita FB friend. Baka kasi hindi ka na maka-relate sa mga susunod. Pero kung curious ka, read on and enjoy! 🙂

PART II.

Para sa mga FB friends ko na naghintay sa pagdating ng February 14, ang haba ba ang introduction ko? Ganyan talaga, application ng waiting. 🙂

Kung matatandaan ninyo na simula noong February 1, may mga nakakaintrigang posts ako:

  • (Feb 1) Siya: Salamat sa paghatid kagabi. 🙂
  • (Feb 2) Siya: Have a lovely week ahead. Happy Monday 🙂
  • (Feb 3) Siya: Sa iyo ba galing ang mga bulaklak na nandito sa table ko sa office? 🙂
  • (Feb 4) Siya: Salamat sa pakikinig sa mga kuwento ko. Ibaba ko na ang phone, matulog ka na din ha. Huwag masyadong magpuyat. Good night. 🙂
  • (Feb 5) Siya: Ang lambot naman nitong unan na regalo mo. Ang sarap yakapin. Salamat. Sweet night! 🙂
  • (Feb 6) Siya: TGIF! Thank God It’s Friday! But TGIF-Y! Thank God I Found You! ❤
  • (Feb 7) Siya: Magandang umaga. Gising ka na? 🙂
  • (Feb 8) Siya: Sabay na lang tayo pumunta sa church then lunch later. 🙂
  • (Feb 9) Siya: Kamusta araw mo? Excited ako sa mga kuwento mo. 🙂
  • (Feb 10) Siya: Natanggap ko na ang love letter na pinadala mo. Kailangan talagang ipa-LBC pa?hehe Super thank you! 🙂
  • (Feb 11) Siya: Gusto ka daw makilala ng magulang ko. Uuwi ako sa probinsya this weekend kaarawan kasi ni mama, puwede mo akong samahan? 🙂
  • (Feb 12) Siya: Alam mo ang saya-saya ko kapag kasama kita. 🙂
  • (Feb 13) Siya: Salamat sa pagmamahal. 🙂

Well, sorry kung sobrang naintriga kayo. Kayo kasi! Malinaw naman na nakalagay lagi sa dulo na posts ko ay #guessthehashtag. Di naman kayo nag-guess. Nag-comment lang kayo ng kung ano-ano. Sinakyan ko naman. Ang tamang hashtag po ay #kailankaya at #praktislangKung tumama sana kayo, may free copy kayo ng unang self-published book ko. Sa birthday ko iyon i-launch. Abangan. Pero hindi man ninyo nahulaan ang tamang hashtag, ok lang kasi may 7 PhP discount naman kayo sa libro dahil FB friends ko kayo. 🙂 Pero 143 copies lang kasi ang ipapa-print ko. Limited special edition. Kung gusto mong magpa-reserve, mag-iwan lang ng mensahe sa iamdoctoreamer@gmail.com or mag-PM sa akin. 🙂

Actually I’m expecting hashtags like #totoobaito, #sinosiya, #siyananga, #talagaehdiwow, #forevernabaito and the likes. May mga ilang nag-attempt like #kiligtothebones at #siya pero malayo sa gusto kong sagot kasi. Pero nice try.

Ito ang aking kampanya para sa February 14. Kung napansin ng mga FB friends ko na bandang 12AM ng February 1 ay nag-post ako ng isang link at nilagay ko na status ay “Start na ng Single Awareness Month,” sana nagkaroon sila ng clue. Lahat ng maintriga kong posts ay scripted. Nagawa ko na ang line up ng posts ko bago pa magsimula ang buwan ng Pebrero. Salamat sa aking Cherry Mobile Flare S3 dahil bawat ideya na naiisip ko ay lagi ko naisusulat o naita-type agad so hindi basta basta nawawala. Pati nga itong mga quotes na ginawa kong status for the last 7 days ay bigla ko lang naisip. Ito ay para suportahan ang hashtag na gusto kong iparating. Kaya bawat post ko nito ay may nakalagay na #hashtagsupport. Isang umaga pagkainom ko ng kape wala pang pitong minuto natapos ko ang pitong quotes.

  • “Minsan lang ako magmahal. Iyon ay noong minsang nakilala kita.” #7daystogo
  • “Tama naman sila, bawat oras ay mahalaga. Pero ang bawat oras ko ay nagiging mas mahalaga kapag kasama kita.” #6daystogo
  • “Sabi ng mga doktor wala na daw pag-asang gumaling ang sakit ko sa puso. Nagkamali sila. Unti-unting gumaling ang sakit ko simula noong makilala kita.” #5daystogo
  • “Hindi bulag ang pag-ibig. Dahil kung bulag ang pag-ibig, hindi sana kita nakita.” #4daystogo
  • “Sabi nila mahirap matagpuan ang totoong pag-ibig. Sabi ko naman sa kanila, maaaring mahirap pero posible. Natagpuan nga kita di ba?” #3daystogo
  • “Hindi ako naniniwala sa ‘forever’. Pero naniniwala ako sa ‘araw-araw’. Oo, araw-araw kitang mamahalin.” #2daystogo
  • “Hindi kita mahal … … … Kasi mahal na mahal kita. ” #1daytogo

Ang naranasan ninyo ay ang tinatawag ko na “power of waiting.” Minsan ang paghihintay sa isang bagay, isang tao, isang pangyayari, ay maaaring magdulot ng excitement o di kaya’y boredome. It’s your choice. Alam ko na madami sa FB friends ko ang excited na makilala ang aking The One. Pero marahil noong malaman nila na isa itong blog, baka nadismaya sila. Sorry. Pero kahit papaano naman ay alam kong natuwa, kinilig (ang iba) at talagang inabangan ang aking revelation ngayon. The journey is more important than the destination. Salamat sa journey (Feb 1 – Feb 13) ng pagsubaybay sa aking posts.

May mga taong personal na nag-message at nagtanong  sa akin sa FB dahil sa mga posts ko. Ang dami nilang tanong kung sino siya. Ang sinasabi ko na lang ay bawal po kasi magbigay ng clue sabi “niya” o di kaya ay ikukuwento ko naman po ang lahat sa February 14 #abangansafeb14 🙂 Kaya ngayon kinukuwento ko na. May ilan na tinawagan pa ako sa cellphone. Siyempre magaling akong artista.haha So lahat sila talagang inabangan ang February 14.

Minsan kailangan natin maghintay. Hindi dahil madamot si God na ibigay sa atin ang ating hinihiling kundi tinuturuan Niya tayo na magtiwala sa Kanya. Alam mo naman siguro ang kuwento nina Abraham at Sarah diba? Ilang taon silang naghintay para lang magkaanak. Akala nila hindi totoo ang Diyos sa Kanyang pangako kaya nagdesisyon sila na para magkaanak sila, sumiping si Abraham kay Hagar (Sarah’s slave). And the rest is history. (Basahin mo na lang ang buong istorya simula sa Genesis 12). Sa huli, kahit sa matandang edad nila, sina Abraham at Sarah ay pinanganak pa rin si Isaac. Keep up the faith brothers and sisters.

Kung matatandaan ninyo sa post ko na 7 Levels of Singleness, sabi ko na gameover na ako. Declaration ko iyon. I believe in the power of declaration. Sa ngayon, ako ay hybrid ng Level 3 – Single the Explorer (40%), Level 4 – Waiting Single (20%), Level 5 – Praying Single (20%), at Level 6 – Happy Single (20%). Kailangan ko munang tapusin ang MS ko. Thesis and Comprehensive Exam!!! Plan ko din mag-PhD pero kapag may pamilya at anak na siguro ako. Kaya after MS, ako ay mag-MRS na 🙂 Kung hindi mo alam ang MRS pero gusto mo talagang malaman, i-like mo ang facebook page ko at mag-iwan ng mensahe: www.facebook.com/iamdoctoreamer

Kung sakaling dumating ang panahon na napagod ka na sa paghihintay, alalahanin mo ang verse na ito: “But those who hope in the Lord will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.” (Isaiah 40:31)

Kung may babae man akong hinihintay, ang gusto ko kapag nagkita na kami, she is walking on her own calling. So parehas kami na lumalakad papunta sa individual calling na ibinigay ng Lord. Ayoko kasi na naki-ride on lang siya sa calling ko. Naniniwala ako na ang bawat tao ay may pagtawag. Posible na tinawag sila sa government offices para maging agent of change. Maaari din naman na tinawag sila para hindi mag-conform sa kasalukuyang takbo ng industriya sa arts and entertainment. Stand up for your faith and integrity. Marahil tinawag sila sa pulitika upang magbigay ng solusyon sa problema ng lipunan. Gumawa ng mga polisiya at programang makatuwiran at makatarungan.  Maaaring tinatawag sila na mag-doctor tulad ng aking co-blogger. Mayroon din na tinawag sa isa sa mga mountain of influence – Family. Housewife or househusband na humuhubog sa mga anak nila upang magkaroon ng matuwid na landas. Saludo po ako sa inyo! Posible din na tinawag sila na mag-pastor tulad ng mga life coaches ko. 🙂

Kapatid, may plano ang Diyos sa iyo. Sabi nga ni God, “For I know the plans I have for you. Plans to prosper you and not to harm you. Plans to give you hope and future” (Jeremiah 29:11). Kapatid, may future ka. Malay mo, ako pala ang future mo.LOL! 🙂

Sorry napahaba ang blog ko. Mahaba kasi ang pasensya ko na maghintay sa kanya. Naman! Pero next year huwag kayong magugulat na in a relationship status na ako. 🙂 Nga pala, kulang ang faith lang. Sabi nga sa James 2:14-22, “Faith without action is dead.” Boys, ready na ba ang the moves natin diyan? Girls, kaunting ayos naman sa sarili. Magpa-salon din paminsan minsan. Bumisita kay Sir Mog Salon: www.facebook.com/SirMogSalon (paid advertisement ulit!)

Sana nakuha mo ang mensahe na gusto kong iparating. Value the process of waiting. Huwag atat! First time lang na may manligaw sayo, nagpadala ka agad. Kilatisin muna siya mabuti. For the girls, basahin mo itong nabasa kong article, “For the Men of My Generation: Real Men Don’t Text.” Makakatulong iyan for sure. Sa mga kalalakihan naman, pinakitaan ka lang ng maputing legs, bumigay kana. Huwag ganoon. Iwas tayo sa temptation bro! There is always a way out. Lagi mong isipin what if sa magiging future anak mo iyan gawin. Anyway, sana na-gets mo ang mensahe ko, kahit di mo na ma-gets ang motto sa ibaba 😉

Huwag magpahuli sa mga blogs ni Doctor Eamer. Subscribe na sa kanyang mailing list at sigurado makakatanggap ka sa email mo ng latest blog niya. Isulat lang ang email address sa box sa ibaba. 🙂

Happy Valentines Day sa lahat. Laging tandaan ang motto ni Doctor Eamer: “Ang pagibig parang tomorrow. Nagkamali ka man yesterday pero today, umaasa ka na tomorrow is another day.”

Ha? Ano daw? Gets mo ba? Di ko din gets. Lol! #lastkonato

Yes, another day para ayusin ang buhay mo. Itama ang mga pagkakamali. Maging aral ang nakaraan at huwag na itong ulitin. Panibagong araw para mangarap.

PS: Para sa aking “siya”, kita kits very soon. See yah!

Advertisements

16 comments on “The Power of Waiting: Hihintayin ko SIYA

  1. At dahil ako ay nagpuyat kakabasa ng articles mo, bukas na bukas din ay #ikalatnaito. 😛

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      July 4, 2015

      Hehehe. 🙂 Aabangan ko ang post no about Power of Forgiveness 😉

      Liked by 1 person

      • Hmmm, mukhang na-prophesy mo naman ito Dok. 😉

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 4, 2015

        Kuwento! 🙂 Haba ng email mo.haha Sagutin ko maya-maya.haha

        Like

      • ahahaha Dok! Are you by any chance andito sa QC ngayon? Invite sana kita sa amin sa church para na rin mabili ko book mo and have a picture with you, the author. Dahil ii-Instagram ko sya! ahaha Promote na natin ‘yan. 😀

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        July 4, 2015

        Andito ako sa home town namin sa Liliw. Kasal kasi ng isa sa barkada ko noong highschool. Ilan na lang kaming single sa barkada namin.haha #nopressure 🙂 On the way to LB na ulit since graduation sa UPLB. Need to watch the graduation and meet my friends and churchmate na magmamarch. #SocialResponsibility hehe Email na lang kita re paano mo makuha ang book. 🙂

        Like

      • Ay oo nga pala. July 4 sainyo. Happy Graduation to all UPLB graduates! Sige, will wait for your email. Don’t worry, I’ll make my reply short-ER. 😀

        Like

  2. Maricor
    March 11, 2015

    Eeh? Ipabasa ko kaya sa kanya ‘to? Hahahahah… ^___^v

    Liked by 1 person

  3. Mico Medel
    February 14, 2015

    creative mo doc, pati ako nag abang hehe 🙂 sa uulitin

    Liked by 1 person

  4. Mara Mae Villancio
    February 14, 2015

    haha. ang galing 😀 inabangan ko po talaga ang Feb 14. #thepowerofcuriosity 😄 hahaha
    ang asteeeg 🙂

    #waiting

    Liked by 1 person

  5. Marz Arzadon
    February 14, 2015

    Let the size of your God determine the size of your dream.

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: