Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Sino ang date mo sa February 14?

datefeb14_ok_ok

Alam mo bang naipasa na ng Senado ang Republic Act 143? Ito ang batas na naglalayong gawing “Buwan ng mga Puso” ang Pebrero. Subalit madaming single ang nagprotesta dito. Paano naman kami?

Nakarating ito sa presidente at kamakailan lang ay naglabas ang Malacañang ng Presidential Decree 143. Ito ay nagsasaad na ang buwan ng Pebrero ay maaari rin na ipagdiwang bilang “Single Awareness Month.” LOL!

Ikaw, alin dito ang ipagdiriwang mo? 🙂

Marahil halos lahat ng restaurant ay malapit na maging fully booked sa February 14 dahil ang mga guys ay nagpareserve na para sa date nila kasama ang kanilang iniirog. How sweet! Ikaw, saan ang date ninyo ng mahal mo?

Naalala ko tuloy ang buhay high school. Ang di ko makakalimutang Junior-Senior Prom. Dahil ang inyong lingkod ay isa sa mga opisyal ng JS Association, sumayaw kami ng special dance number – My Boo (by Usher). Sino nga ba partner ko noon? Nalimutan ko na.hehe Pero hindi ko makakalimutan na maraming girls ang sinayaw ko sa sweet songs. Kasi last year na namin iyon kaya almost lahat ng mga babaeng classmates namin ay naisayaw ng mga boys. 🙂

Madami akong hindi na matandaan sa mga pangyayari noong highschool pero naalala ko pa naman na sa gabi ng JS Prom na iyon ay kinilig ako dahil naisayaw ko ang aking ultimate crush. 🙂 Nakadalawang sweet songs kami na magkasunod. High school nga naman. 🙂

Nakakatuwang balikan ang mga magagandang ala-ala ng nakaraan. Sa mga taong may mga hindi magandang nangyari sa nakaraan, nasa inyo ang desisyon kung kakalimutan na ninyo ang mga bagay na iyon. Happiness is a choice. Puwede naman kumontra. 🙂 Ang gusto ko lang sabihin ay huwag ninyong isisi sa nakaraan ang mga hindi magagandang bagay na nangyayari sa ngayon. Bagkus, simulan sa kasalukuyan ang ninanais na pagbabago sa buhay. Sabi nga ni Erwin McManus, “You have to make choices today that prepare you to be rightly positioned tomorrow.” Kaya mga kapatid, choose to be happy. Meron o wala mang ka-date.

Ilang araw na lang February 14 na! Siyempre inaabangan ng lahat ang pagsapit ng araw na ito. Lalo ang mga FB friends ko. 🙂 Si Doctor Eamer ay super excited na din sa kanyang date. “Siya.” ❤

PS: Para sa mga single, alam mo na ba kung anong level ng singleness mo? Kung hindi pa, aba ay alamin na! Basahin mo ito: 7 Levels of Singleness.

Photo Credits (here)

Advertisements

4 comments on “Sino ang date mo sa February 14?

  1. Clauie Belle
    February 10, 2015

    Senior Prom: My crush danced with me, I was one of the chosen candidate for being the Prom Queen, I lost my purse containing more than a thousand peso worth of make-up kit and some amount of money and all of my prom pictures were gone due to the corrupted SD card of the camera. How awesome! Hahahaha

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on February 10, 2015 by in Courtship & Dating and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: