Kamakailan lamang ay nagpunta ako sa isang reunion ng mga kaibigan ko sa kolehiyo dahil ikakasal na din ang isa sa kanila. Ilang taon na din kaming hindi nagkikita-kita simula ng magtapos sa UPLB. Ganoon pala talaga, busy na kapag may trabaho. It was a great time catching up with one another and talking more on career path and of course lovelife. Dahil bridal shower din noong kaibigan namin na ikakasal, may mga palaro, kainan at picturan. Congrats Mei! We are so happy for you! Best wishes! 🙂
Noong isang linggo naman, isa sa aking mga barkada sa highschool ang nag-pm sa facebook. Ikasasal na din siya at abay daw ako. Dalawa na ang ikinasal sa aming magbabarkada, pangatlo siya. Nakakailang abay na din pala ako sa kasal. 🙂 Congrats Jonas! Cheers to your wedding on July! 🙂
Nakakatuwang isipin na isa-isa ng kinakasal ang mga kaibigan at kabarkada ko. Pressured ka? Hindi ako pressured dahil alam ko sa sarili ko na may mga gusto pa akong gawin. Sabi ko nga doon sa isang blog ko, there are perks of being single.
Kahapon naman ay nakipagkuwentuhan ako sa fb sa aking ninang Rochelle at nagbigay siya ng ilang mga payo patungkol sa love and relationships:
Nakakatuwang makinig sa mga taong napagdaanan na ang mga bagay na pagdadaanan mo pa lamang. May kasabihan nga na “Papunta ka pa lang, pabalik na ako.” Puwede din nating lagyan ng kaunting modification lalo kung mga lolo at lola na ang magbibigay sa’yo ng payo: “Manliligaw ka pa lang, may apo na ako.” Mahalaga talaga ang paghingi ng opinyon at advice mula sa ibang tao. Sabi nga ni Tito Mon, “Plans fail for lack of counsel, but with many advisers they succeed.”
Ikaw ba? Hanap ka ng mga advisers na alam mong trustworthy at magbibigay sa iyo ng payo na hindi ka mapapahamak. Buti na lang napapalibutan ako ng mga taong itinuturing kong life coaches ko sa buhay. 🙂
Kung sasagutin ko ang tanong sa title ko sa blog na ito, kailan ka ikakasal? Sigurado ako na ikakasal ako sa tamang panahon. 🙂 Safe answer.lol!
Para sa mga nais magbigay ng mga paksa (topics) na gusto mong gawan ng blog ni Doctor Eamer, puwede kang mag-iwan ng mensahe sa kanyang facebook page: www.facebook.com/iamdoctoreamer
Photo Credits (here)
This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.
When I attend reunions, I always hear this question. It’s not a competition, but it seems people think of it that way. Kailangan sumabay ka kng hindi “napagiwanan ka na”. It’s funny that we live in the 21st century yet some people still think that way.
One of the many reasons why I love to be last to settle down is that I get to have free advice and counseling from the people who’s “been there, done that”. Wise counsels indeed.
LikeLiked by 2 people
Mabuhay tayong mga single 😉
LikeLike
Doc! How come i can’t visit your domain? Anyways, I just read this post of yours. Tagal na pala ito pero ngayon ko lang talaga na basa hehe. I agree with you, kakasal tayo at the right person and right season 😀
LikeLiked by 1 person
Anong domain? doctoreamer.com ?? Hindi ko na nirenew yun eh. Hehe Merry Christmas uy! Kamusta bakasyon? hehe
LikeLiked by 1 person
Ohhh. No wonder! hehe. Merry Christmas to you and your fam, Doc! There’s storm here in our place #BagyoVinta 😦 Good thing our place is not prone to floods. But some parts of our city are devastated by the storm. Please do pray!
LikeLiked by 1 person
Awwww. Oo nga pala may bagyo. Keep safe and sound! Praying for covering and protection. 🙂
LikeLike
Ako din, ikakasal na din ako…….sa tamang panahon din! lol..hahaha.. 🙂
LikeLiked by 2 people
My mom always tells me na wag munamagmadali. Time will come. Magenjoy daw muna sa buhay pagiging dalaga/binata. Dadating din yung araw na magsesettle down ka. Nice answer btw.
LikeLiked by 2 people
I’ve been in that situation before. When friends started to get married, there is this pressure from loved ones to follow suit.
LikeLiked by 2 people
What happened was beyond terrifying and horrible. But let us hold on to hope. Justice will be served. Thanks for the post.
LikeLiked by 2 people
Dadating din tayo diyan. ^^
LikeLiked by 2 people
Natawa ako sa answer mo, Joseph. Very safe nga, lol! Great post, as always!
LikeLiked by 2 people
This kind of messages from you empower me to write more! thanks Ate Mia! 🙂
LikeLiked by 2 people
I agree with this: When it comes to love and relationship, NEVER put a deadline or a marker in the calendar.
Naniniwala pa din ako sa DESTINY and FOREVER 🙂 Hahaha
#TeamForever here,
http://www.ThePromdiBoyAdventures.com
LikeLiked by 2 people
Matagal na akong nakasal. Civil. My life, my rules. Walang pressure. Hehe. Actually, masaya nga ang buhay single e. Panget yung nakasal na, apos doon mapapagtantong hindi pa pala sa buhay binata/ dalaga at dun maghahanap ng gudtaym. Hehe.
LikeLiked by 2 people
Edi wow! Sa tamang panahon din ! HAHAHAH
LikeLiked by 2 people
Sa tamang panahon at sa tamang person 🙂 Rhyme. Lol 🙂
LikeLiked by 2 people