Naranasan mo na bang umibig? Eh ang masaktan? Eh ang mag-move on? Kung naranasan mo na ang mga bagay na ito, binabati kita dahil hindi lahat ng tao naranasan na ang mga iyon. Pero hindi kasi patungkol doon ang gusto kong i-blog. Smile! Wink wink!🙂 Pero kung gusto mo talagang ibahagi ang iyong kwento, maari mo itong isulat sa Definitely Filipino. Just click here for the instruction on how to submit an article.
Kapag kasi naririnig natin ang mga salitang move on, madalas patungkol sa pag-ibig ang naiisip natin. Tama ba? Or ako lang ang nakakaisip nito?🙂 Pero may mga ilang bagay sa atin at sa ating lipunan ang kailangan mag-move on.
Alam mo ‘yung 30 minutes lang ang normal na biyahe papunta sa isang lugar pero inaabot ka ng dalawang oras o higit pa? Gusto mo na lang sumigaw ng move on please!!! Kung gusto niyong mabasa ang article ng friend ko sa website niya, just click the link (Stuck In A 2-Hour Traffic Jam In Calamba? Let This Infographic Explanation Enlighten You). Mas maiintindihan niyo kung bakit grabe ang traffic dito sa amin. Nananawagan ako sa lokal na pamahalaan ng Los Baños at Calamba. Baka naman po may maaring solusyon tayong gawin para mabawasan ang mabigat na trapiko. Salamat po.
Dati pila talaga ang pagkuha ng NBI clearance. Kahit saang branch ata talagang grabe ang pila. Tapos kapag may kapangalan ka, papabalikin ka pa after few days. Move on talaga! May mga nakausap ako dati kahit 4am pa lang nakapila na sila para kumuha ng NBI clearance. Unahan daw kasi sa pila. Hindi ko lang alam ngayon ang kalakaran, matagal na akong hindi kumukuha ng clearance. Pero ang pagkakaalam ko may mga online naman na ata. Gaya ng pagkuha ko ng passport dati sa SM Megamall. Kumuha lang ako ng appointment sa kanilang website. Ang natatandaan ko 3:30PM ang pagkuha ko. Pumunta ako ng 2:30PM at wala masyadong tao kaya pinauna na ako. So natapos ako nga 3PM pa lang. Sa iba atang DFA office, grabe ang pila. Sa pagkuha ng mga permits at licenses (driver’s, PRC, etc.) minsan grabe pa rin talaga ang tagal at haba ng proseso. Kailangan mo talagang mag-leave sa work para asikasuhin iyon. I’m dreaming one day na kahit online ang pagpasa ng mga requirements, makakakuha ka ng kailangan mong permits/licenses. Walang pila. Walang hassle.
Last semester, nag-enroll ako sa isang public policy course para sa aking graduate study. Parang elective lang pero I really enjoyed the class and the topics and the field trip! Special mention to our professor, Atty. Damcelle Torres Cortes. Thanks Mam! Mas naintindihan ko ang proseso ng paggawa ng mga batas sa Pilipinas. Salamat po sa mga kwento niyo. Grabe talaga bago umusad ang mga kaso. Two years? More! I hope na maayos ito ng gobyerno. Alam ko may mga kaso na parang tatanda ka na sa paghihintay pero hindi mo pa nakakamit ang hustisya. Haaay.. Pero naniniwala ako na may pag-asa pa. Sabi nga ni Pope Francis, “Filipino virtues are rooted in hope and solidarity instilled by Christian faith.” Kaya natin ito! Move on justice!
Usong-uso ngayon ang selfie. May negatibong konotasyon nga lang ang salitang ito dahil naiuugnay ito sa salitang selfish. Marami pa rin sa ating mga Pilipino ay may ganitong ugali. No offense pero kita naman ito sa mga ilang nanunungkulan sa gobyerno. Ultimo mga tarps ng bawat activities may mukha nila. Buti na lang may ilan pa ding mga lider na totoo at may puso sa serbisyo. Kaya mas gusto ko ang groupie kaysa selfie eh. 🙂
Minsan ironic talaga. Madaming programa ang Department of Health para sa anti-smoking pero ang Department of Trade and Industry naman patuloy na pinapayagan ang mga cigarette companies sa kanilang produksyon. I’m not sure if DTI nga ba ‘yung agency for that matter. Pero ang adiksyon hindi lamang sa sigarilyo, alak o droga. Madami ding adik sa dota at iba pang laro. Pwede kayang magkaroon ng batas na bawal maglaro sa computer shop ang mga estudyante sa oras ng kanilang pasok? Madami kasi ang mga nagka-cut ng klase nila para lang makapaglaro sa internet. Ang mga owner ng computer shop siyempre malaki ang income pero sana naiisip nila na kinabukasan ng mga kabataan ang maaring masira. Ang iba naman adik sa facebook. Meron din adik mag-aral. Grabe! Wala ng panahon sa mga barkada at pamilya. Aral lang. Meron din adik sa trabaho. Wala ng social life. Guys, we have one life to live. Spend it well. Have a balanced life. Huwag mong sabihing hindi mo kaya kasi nagagawa nga ng iba, ikaw pa! Move on din ‘pag may time.
Usong uso ito kapag bakasyon. Kain. Tulog. Nood TV. Internet. Gala. Kain. Tulog ulit. Ouch ba? Natamaan ka ba? Minsan ganyan din ako pero tuwing resting time lang naman. Kung maibabalik ko lang ang mga oras na lumipas pero hindi ko na kayang gawin iyon. Ang meron tayo ay ang oras ngayon. Don’t dwell on your PAST. Instead, control your PRESENT and for sure you can have a good FUTURE. Matuto tayo sa mga langgam. Hindi tamad! Nag-iimpok sila. Galaw galaw din ‘pag may time baka ma-stroke. Move on!
Para sa mga estudyante ito. Kagaya ko. Nahihirapan ka na ba? Pagod ka na ba? Mas nahihirapan at mas pagod ang mga magulang mo sa pagtatrabaho mabigyan ka lamang ng baon at maibili mo ng mga gamit sa mga proyekto mo. Saludo ako sa mga estudyanteng kahit walang pinansyal na kapabilidad ang kanilang magulang ay nagpapatuloy pa din sila. Gumagawa ng paraan para maipagpatuloy ang pag-aaral at makatapos. Nakaka-aliw makarinig ng mga ganoong kwento. Kwento ng sipag at tiyaga. Kwento ng pag-asa at pananampalataya. Kwento ng mga pangarap na natupad. Sana may magbahagi ng mga ganoong kwento dito sa Definitely Filipino. Next time, I will share my story. 🙂
Para naman ito sa mga nagtatrabaho na. Mahirap talagang makakuha ng trabaho sa ngayon pero kung magtitiyaga ka lamang maghanap, makakakita ka din. Parang pag-ibig.lol! May connect? Meron! Tapos ‘pag may trabaho ka na, ilang buwan pa lang ay ayaw mo na sa ginagawa mo. Lilipat ka ng iba. Hindi pwede ang ganyan sa pag-ibig! Connected ulit? Oo! Mukhang magandang gawan ito ng blog topic next time. 🙂 Basta, move on din sa trabaho natin! Be an asset to the company.
Lahat naman ng tao may pangarap. Pero hindi lahat ng tao naaabot ang mga pangarap nila. Bakit kaya?
Ang bawat bagay ay magkakaugnay. Kung alam mo ang butterfly effect mas maiintindihan mo ang sinasabi ko. Pero alam mo kung ano ang pangarap ko? Simple lang. Apat na letra. IKAW. Boompanes! Sabi nga ng isang kaibigan ko na motivational speaker, “Dreaming is free. Making it happens entails a cost.” Cheers para sa ating mga pangarap! How about you? What’s up ahead? 🙂
Photo Credits (here)
I totally agree with this post! 👍👊
LikeLiked by 1 person
Thanks Atty. Camille! 🙂
LikeLike