Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Paano Mo Malalaman Kung Crush Mo Na Siya?

crush mo na_ok

Dahil medyo nakaluwag na ako sa aking pagka-busy during  past few days… Tapos na din ang semester ko! Yahooo!!! So eto na ang post ko this week. 🙂

1. Excited kang gumising sa umaga.

  • Gustong gusto mo siya itext ng “good morning” or “magandang umaga” tapos may smiley pa. Gusto mo ikaw yung mauunang magtext sa kanya. Tapos tuwing mapapanood mo yung commercial ng  Nescafe na “Para kanina ko bumabangon?” feeling mo relate na relate ka naman.
  • Bumangon ka para sa pangarap mo at para sa pamilya mo. Bangon na! Puyat ng puyat! Tama na ang kape ng kape! 🙂

2. Ok lang sayo magload lagi.

  • Simple lang naman, gusto mo lagi may load ka para any time na bigla siya magtext sayo magrereply ka agad in less than seven seconds.
  • Kung magloload ka ng PhP20 everyday, so times 30 every month and that would be PhP600 in a month. Multiply by 12, that would be PhP7200 in a year. See? Kung naipon mo lang yun eh di mas masaya!hehe I know exag na yung PhP20 per day pero I knew people na ganoon talaga gumastos sa load. You know what is the sad story? Di naman sila nirereplyan nung tinetext nila.haha!!! Malay mo nag-iipon sila kaya di sila mahilig magload. 🙂

3. Peek on his/her timeline.

  • Sa tuwing mag-oonline ka sa FB, hindi mo maiiwasang bisitahin yung wall niya just to check if ano ang mga latest happenings sa kanya.
  • Ingat ka! Baka maging “stalker” na ang peg mo nan.hehe 🙂

4. Nililike mo lagi yung profile picture niya.

  • Dahil updated ka nga sa kanya, hindi ka papatalo na yung ibang fb friends niya lang yung maglilike sa bago niyang profile pic.
  • Huwag ka naman pahalata! Baka naman nilike mo lahat ng profile pic niya simula 2009. Naku!haha It’s a no no! 🙂

5.  Naiisip mo siya bago ka matulog.

  • Bigla na lang maaalala mo siya out of the blue. Then mapapangiti ka kahit mag-isa ka lang.
  • Yan tayo eh, kung ano ano ang iniisip, ayan tuloy nakalimutan mong anniversary pala ng parents mo. Di mo man lang nabati. Focus on what matters most. 🙂

6. Masaya ka kapag kasama mo siya.

  • You look forward sa mga gatherings, meetings, reunions, or events kung saan makikita mo siya.
  • I tell you, magastos ito minsan.haha Kaya make sure you have a “social fund” for this activities. 🙂

7. Concern ka sa kanya.

  • Kinakamusta mo siya lagi. Kapag alam mong gagabihin siya umuwi from work, minsan hihintayin mo siya makauwi sa apartment niya just to know na safe siyang nakauwi.
  • Overconcern naman ata yan? Ano ka ba niya? Guardian?lol! 🙂

Ilan lamang yan sa mga sintomas.haha Kung may nararamdaman ka pang ibang sintomas, pacheck-up ka lang at may ibibigay naman na riseta ang doctor.lol! 🙂

Alagaan ang puso! Sabi nga Tito Mon “Guard your heart above all else, for it determines the course of your life.” 🙂

Photo Credits (here)

Dr. Eamer

Related Post: Anong Kwentong Crush-At-First-Sight Mo?

 

Advertisements

13 comments on “Paano Mo Malalaman Kung Crush Mo Na Siya?

  1. 94elly
    April 27, 2015

    hala! relate nanaman

    Liked by 1 person

  2. docpreciousjem
    January 11, 2015

    Buti na lang P250/month ang nilo-load ko. In case na magkasakit man ako ng Crush Syndrome, P250 pa rin ang magagastos ko. Hahahahaha!!

    Liked by 1 person

  3. Pingback: Pitong Utos sa Pagkakaroon ng Crush | Dr. Eamer's Blog

  4. DodongCharing
    December 17, 2014

    Tapos padadaanan mo siya ng GM. Hahaha!

    Liked by 1 person

  5. Ma. Fe Zapanta
    December 16, 2014

    Gandaaaaaahhhhh ….. Relate much ka dito sa post mo noh ? haha 😀

    Like

    • Doctor Eamer
      December 16, 2014

      Hindi ah! 🙂 Pagpinost, relate agad?hahaha! Di ba pwedeng may nagrequest lang na magsulat ako about this topic? 😉

      Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on December 16, 2014 by in Crush and tagged , , , .
%d bloggers like this: