Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Facebook Posts

texting_ok

Late na naman ako sa class! Kasi naman napuyat ako sa Candy Crush Saga kagabi pero nakaabot naman ako sa Level 143!
#late
#candycrush
-Posted 07:11 AM

Di ko talaga maintindihan ang exponential functions!
#Mathproblems
-Posted 09:10 AM

Recess with my beautiful barkada! Sarap ng kamote fries!
#breaktime
#bff
-Posted 10:05 AM

Lunch sa paborito kong canteen. Kasama ulit ang barkada!
#lunch
#bff
-Posted 12:12 PM

Kaantok! How are you guys?
#sleepy
-Posted 03:00 PM

Sa wakas! Uwian na din! Waiting kay daddy!
#waiting
-Posted 05:03 PM

Tagal naman ni dad! Ako na lang tao dito sa waiting shed eh!
#morewaiting
-Posted 05:34 PM

Ito ang mga huling posts ni Winona O. Cruz sa kanyang Facebook wall bago siya dakipin ng isang grupo ng mga kalalakihan na nakasakay sa isang van. Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa hinihinalang pag-kidnap sa bata. Si Winona ay isang estudyante sa ika-limang baitang sa Mababang Paaralan ng Pag-asa.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis naganap ang pagdukot sa bata sa ganap na 5:45 PM habang naghihintay siya sa may waiting shed para sa pagdating ng kanyang tatay na isang tricycle driver.

***

“Opo nakita ko po. May dalawang mama na bumaba sa puting van. Naka-bonet po sila na itim kaya di ko po nakita mga mukha nila. Agad po nilang tinakpan ng parang isang puting tuwalya na maliit ang bibig ni Winona. Tapos mga ilang segundo ay nahimatay na po siya agad at ipinasok na po siya sa loob ng sasakyan. Wala pong tao sa paligid ng mga panahong iyon. Sarado na din po kasi yung mga kalapit na tindahan ng mga palamig at fish balls. Kitang kita ko po ang mga pangyayari kasi nagtatago po ako dun sa may halamanan ng bougainvillea sa may tapat ng waiting shed. Naglalaro po kasi kami ng mga barkada ko ng tagu-taguan.Umalis po agad yung van tapos tumakbo na po ako palayo dahil natakot po ako,” medyo panginginig na sagot ni Boyet, isa sa mga saksi sa krimen.

“Kung sino man po ang mga dumampot sa anak ko, maawa na po kayo. Mabait na bata po si Winona. Huwag niyo po siyang papatayin,” umiiyak na panayam ng nanay ni Winona habang iniinterview siya ng isang local media.

“Paalis na po ako sa bahay ng mga bandang alas singko. Tapos bigla pong nakasalubong ko yung kapitbahay namin at inarkila niya yung tricycle para ihatid yung mga gamit niya sa bayan dahil paluwas siya sa Manila. Mga alas sais na po ako nakadating sa may waiting shed at wala na pong tao pati yung buong iskul. Wala din si Winona eh lagi naman dun ko siya sinusundo. Dapat kasi sinundo ko na agad si Winona. Anak, pasensya talaga. Sayang kasi yung kita sa pag-arkila sa akin. Gusto ko lang madagdagan yung pambaon mo para sipagin ka mag-aral. Anak sorry,” maiyak-iyak na sambit ng ama ni Winona sa kanyang interview. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga pangyayari.

“Mabait naman po si Winona, lagi niya po akong kasama mag-recess at kumain ng tanghalian. Tuwing gabi lagi din po kami magka-chat sa Facebook kasi free naman po iyon. Nag-uwian na po kami ng alas singko. Iniwan na po namin siya sa waiting shed kasi malapit naman po ang bahay namin sa iskul kaya nilalakad lang po ng mga kaklase namin,” ang wika ni Betty na matalik na kaibigan ni Winona.

“Alerto naman po ang ating kapulisan. Nakikipagtulungan na din po tayo sa NBI at sa mga pulis sa kalapit bayan. Gagawin po namin ang lahat para po mahanap agad natin si Winona,” ang sagot ni PO4 Lazaro, hepe ng bayan ng Pag-asa.

***

Kinaumagahan matapos ang krimen, isinama ni PO4 Lazaro ang mga magulang ni Winona sa kabilang bayan.

“Winona! Anak!” ang sambit ng humahagulgol na nanay ni Winona habang yakap ang malamig nitong bangkay sa may pampang kung saan nakapalibot ang mga usiserong residente ng Brgy. Pitong Gatang.

“Magtatapon po sana ako ng basura sa may ilog dahil tuwing umaga ganoon po ang ginagawa ko. Laking gulat ko po kasi may batang nakahubad na tila wala ng buhay. Dali dali ko po itong pinuntahan at nagtawag po ako ng kapitbahay,” wika ng isang resident ng Brgy. Pitong Gatang habang kinukuhanan siya ng video ng local media.

“Pinaghahanap na po ng aking tauhan ang mga suspek sa krimeng ito. Salamat na lamang po at may testigo tayo na nakita sa pagtapon ng bangkay ni Winona kaninang madaling araw. Tatlong kalalakihan ang nasa likod ng pangyayaring ito. Dalawa pa lang yung identified suspect pero ginagawa po namin ang lahat para mahuli ang mga salarin. Ang mensahe ko lang sa mga kabataan ay mag-ingat sa paggamit ng social media lalo na sa Facebook. Siguraduhin naka-private setting at huwag na huwag mag-accept ng mga taong di niyo kilala. Huwag din masyadong mag-post ng pang-araw-araw na ginagawa. Mas maigi na ang maging maingat dahil nasa huli ang pagsisisi,” ulat ni PO4 Lazaro.

***

“Ikaw anak ha, mag-ingat mabuti kung ayaw mong matulad sa kaibigang mong si Winona. Kung maari, iwasan na yang Facebook na yan at mag-focus ka sa pag-aaral mo,” pangaral ng nanay ni Betty habang nanood sila ng balita sa telebisyon tungkol sa naganap na krimen sa kanilang bayan.

“Opo ‘nay,” malungkot na wika ni Betty.

***

“Aba anak! Gumising kana! Bente minuto na lang alas syete na! Kumain kana at maligo. Bilis!” ang wika ng nanay ni Winona habang tinatapik ito sa may binti.

“Buhay pa ako? Nasaan yung mga dumukot sa akin mommy?” gulat at kinakabahang sagot ni Winona nang siya ay magasing. Napayakap na lang siya sa kanyang nanay at umiyak siya dahil sa takot. Ikinuwento niya ang tila isang bangungot na panaginip na nagturo sa kanya ng aral.

***

”Okey class, magkakaroon ang buong iskul ng isang kompetisyon. Bawat klase sa ika-lima at ika-anim na baitang ay gagawa ng isang campaign mula sa iba’t ibang paksa tulad ng pangangalaga sa kapaligiran, paghahanda para sa Ebola virus, kahalagang ng K to 12, wastong nutrisyon, anti-bullying act, at ang responsableng paggamit ng social media. Pag-usapan niyo kung anong paksa ang gagawin ng seksyon natin. See you tomorrow!” wika ng guro nina Winona habang patapos na ang klase.

Dahil si Winona ang pangulo ng klase nila. Nagdesisyon sila kung anong paksa ang kanilang gagawing campaign. Kinuwento ni Winona sa buong klase ang kaniyang panaginip nung nakaraang araw at nahikayat niya ang buong klase na tungkol sa responsableng paggamit ng social media ang kanilang gagawing proyekto. Gagawa sila ng isang maikling palabas na hango sa laman ng panaginip ni Winona. Pagkatapos ng palabas ay magsasalita si Winona para ipaliwanag ang kanilang ginawa.

***

“Hahayaan pa ba natin na mangyari ang krimen na ito bago tayo mamulat sa kaakibat na panganib na maaring idulot ng paggamit ng social media? Maging maingat at reponsable sa bawat impormasyong ating inilalagay sa social media sites.”

“Sa mga magulang na nanood ngayon, maraming salamat po sa inyong paggabay sa amin. Huwag po kayong magsawa na pagsabihan kami kung minsan na sumusobra na ang oras na iginugugol namin kakalaro ng mga free games sa internet. Minsan naiinis na po kayo na sa tuwing bago na lang kami kakain ay kelangan naming kuhanan ng picture yung pagkain. Proud lang naman po kami na magaling magluto ang aming mga nanay. Sorry din po kasi minsan hindi niyo na kami nakakausap pagdating sa bahay dahil lagi na lamang kaming may ka-chat na kaklase. Crush lang naman po iyon.”

“Mga kapwa ko mag-aaral, tama na ang pag-popost ng walang kwentang ‘Gud eve’, ‘Musta everyone!’ Bakit hindi niyo kamustahin ng personal ang mga kaibigan niyo? Ilibre niyo sila ng fish ball pagkalabas at makipagkwentuhan. Ganoon ang totoong kaibigan. Iwasan na din natin ang magparinig sa ating mga kaaway o hindi kasundo sa klase. Lalo lang lumalaki ang isyu eh. Bakit hindi natin pag-usapan para maayos? Sabi nga, nadadaan naman lahat sa mabuting usapan.”

“Tayo, mga kapwa ko mag-aaral ng Pag-asa Elementary School, ang pag-asa ng ating bayan. Tayo ang pag-asa ng ating bansa. Mag-aral tayo ng mabuti at maging responsable sa mga bagay-bagay.”

“Maraming salamat po!”

Nagtayuan ang mga nanonood na mga magulang, guro at estudyante matapos ang palabas ng klase at mensahe na pinangunahan ni Winona. Masigabong palakpakan ang maririnig sa buong lugar tanghalan.

THE END.

Photo Credits (here)

This is my official entry to the Saranggola Blog Awards (SBA) 2014 – Category: Kwentong Pambata.

sba1

Sponsors:

Advertisements

18 comments on “Facebook Posts

  1. Janice
    December 14, 2014

    Grabe, this story was about to make me cry kasi medyo familiar sya sa story ng nangyari sa kapatid ko. But unfortunately, it wasn’t a dream for him. Nice twist to your story though. Keep it up!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 14, 2014

      Awww… Sorry Ms. Janice. 😦 I hope your brother is still alive.

      Like

  2. slickmaster
    December 7, 2014

    Napakahusay. Haha! Pero kahit actually panaginip yun, may mga pagkakataon na nangyayari yan sa realidad. Siguro, ang magandang aral na dapat makuha rito ay ang paggamit ng mga kabataan sa social media, at ang kaakibat na panganib nito sakali mang hindi sila maging repsonsable o maging masyadong mapagabuso rito.

    Liked by 1 person

  3. Chef Jay
    December 7, 2014

    Agreed, we need to be careful in social media. It’s quite dangerous to share everything online, especially since there are people that may be out to get you. Make sure to limit your privacy to only your friends to lower the risk!

    Liked by 1 person

  4. Fernando Ceballos Lachica
    December 6, 2014

    You indeed very talented Doctor, your ideas comes inside of you.

    Liked by 1 person

  5. Dizkarteng Noypi
    December 5, 2014

    Galing mo bro!..akala ko talaga true story..hehe. nice, keep it up! at maganda talaga ang mensahe. kaya nga “think before you click” para di mapahamak. 🙂

    Liked by 1 person

  6. rainbowjournal.com
    December 5, 2014

    We all just need to be careful of the things we do.

    Like

  7. rainbowjournal.com
    December 5, 2014

    Gaya ng lahat ng bagay sa buhay. Kailangan laging nag-iingat at pinag-iisipan ang mga bagay na ginagawa natin.

    Like

  8. Don Garcia
    December 5, 2014

    It’s fun to share stuff on social media but it needs to have a limitation..

    Like

  9. joselito capariño
    November 28, 2014

    Ang husay mo bro! Hindi ko matigilan pagbasa ng kwento mo hanggang matapos. Maganda ang mensahe lalo na sa mga bata ngayon na ang hilig-hilig magpost na social media ng kung anu-ano!Best regards!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 29, 2014

      Wow! Thanks po for liking the story.hehe Yun kasi yung topic sa kwentong pambata.hehe about the social media daw po.hehe Thanks Sir! All for God! 🙂

      Liked by 1 person

  10. Kim Z.
    November 27, 2014

    Kinilabutan ako sa part na bangkay na si Winona 😦 May naalala kasi ako personally na nakita ding patay at hubad. Pero I’m glad that this story ended happily. Good luck on the contest! 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 28, 2014

      Awww.. nakasaksi ka ng almost ganung case? Yes, medyo positive thinking dapat kaya ayoko ng sad ending 🙂 Thanks for reading.hehe 🙂

      Like

      • Kim Z.
        December 10, 2014

        I’ve never witnessed it personally pero I had a classmate from highschool who suffered the same thing. I just learned from Facebook contacts the day after she was found.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        December 11, 2014

        Awwww sad talaga kung sa kakilala mo nangyari. Stay safe!

        Like

  11. Jordana Mari
    November 27, 2014

    True. Social media limit our privacy. I hope this story will serve as a lesson to some who over-share their life online.

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on November 26, 2014 by in SBA & Short Stories and tagged , , , , .
%d bloggers like this: