Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Akala Ko Siya Na

Read Part 1: Ang Crush Kong Blogger

flower_ok

“Good day Mam! Welcome to Hin Thai! Our food is worth your wait. Enjoy!” ang malugod na bati sa akin ng guard habang pinagbubuksan niya ako ng pinto. Maaliwalas ang loob ng restaurant. Medyo classic ang istilo. Halos lahat ng nakikita ko na naroon ay mga magkasintahan o couples. May mga ilang grupo din ng mga banyaga.

Wala pang pitong hakbang pagkapasok ko ay may biglang lumapit sa akin na waiter at nagtanong, “Mam, kayo po ba si Ms. Hannah?” Tumango ako at medyo nagtaka dahil alam niya ang pangalan ko.

“Mam dito po tayo sa VIP area, pina-reserve po iyon ni Sir Pepito,” wika ng waiter na sa totoo lang ay may itsura. Mukhang world class talaga ang Hin Thai. Napa-wow na lang ako sa loob loob ko habang namamangha sa ganda ng VIP area. May parang fountain pa. Ang pader na gawa sa salamin ay may umaagos din na tubig. Cool! Mahal siguro ang reservation dito.

Malayo pa lang ako sa mismong table na naka-reserve, may naamoy akong napakabangong halimuyak. Mukhang mamahaling pabango pero medyo parang pambabae ata iyon. Hindi ko na lang pinansin. Biglang tumingin patalikod ang isang lalaki na nakaupo doon sa may dulong table. Siya na siguro si Pep dahil siya lang naman ang naroroon sa VIP area. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nasasabik na akong makilala siya ng personal. Nakatingin lang siya sa akin habang lumalapit ako. Lalo tuloy akong kinabahan.

“Hannah?” ang medyo matinis na boses ni Pep at tumayo siya at bigla niya akong kinamayan. At siya pala ang naamoy kong mabango. “What???!!! Bakla ba si Pep!” wari ko sa aking sarili. Nawala ang aking kaba at napalitan ng curiosity sa kagustuhan kong malaman kung tunay siyang lalaki.

“O kamusta ang first day of work?” ang tanong niya sa akin. Sinagot ko naman siya. Nawala ang excitement ko. Ang tagal ko pa namang hinihintay ang pagkakataong ito na makita at makilala siya ng personal. Naalala ko tuloy noong unang linggo pa lang kaming magkakilala sa Tumblr. Alam ko sa sarili ko na nagustuhan ko na siya. Pero wala naman kasi siyang posts na may litrato niya. Puro mga aral sa buhay at mga kamangha-manghang wordplay lang naman ang parating laman ng blogs niya. Siguro dahil lumaki siya na walang tatay tapos lola niya lang ang kasama niya kaya siya naging bakla. Hindi naman sa mapanghusga ako pero iyon talaga ang pakiramdam ko. Sabi ko na lang sa sarili ko habang kumakain, “Sayang! May itsura pa naman din siya.”

Natapos ang tatlumpung minuto na kumakain kami ng medyo maanghang na Thai food. Puro siya lang naman ang nagtatanong at sumasagot lang naman ako sa bawat tanong niya. Nag-enjoy naman ako kahit papaano. Ok din naman siyang kausap. Basta nanghihinayang talaga ako. Habang patapos na kaming kumain, biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag ang supervisor ko sa trabaho. “Excuse me, sagutin ko lang,” sabi ko kay Pep.

“Hello Mam Dem, bakit po?” ang tanong ko sa aking boss“Puwede ka bang bumalik agad sa office? As in now na? Biglaan kasing dumating ang mga client natin na taga-Myanmar. Walang staff na available para ilibot sila sa company. May makakasama ka namang senior staff,” pakiusap ng boss ko. Agad ko din naman siyang sinagot habang nakatingin ako kay Pep, “Sige po Mam, I’ll be there in few minutes. Pabalik na po ako.”

Sa tingin ko, hindi talaga kami para sa isa’t isa ni Pep. Medyo malambot siya kumilos. Hula ko at medyo sigurado ako na 80% bading siya. Unang date namin eh hindi pa ganoong kaayos. Nagpaalam na lang ako agad sa kanya, “Sorry Pep, I got to go. Emergency sa work. Thank you so much for the treat!” Ngumiti lang siya na parang may kakaiba sa ngiting iyon. “Sure Hannah! No problem,” sabi niya sabay abot ng bouquet na pink roses na may maliit na card na nakakabit. Nagtaka ako kung saan niya itanago iyon kasi sa buong pagkakataon na magkasama kami ay wala naman kong napapansing mga bulaklak. Dahil nagmamadali na din ako, kinuha ko agad, nagpasalamat at sabay umalis na din.

Pagkadating ko sa cubicle ko sa opisina, ipinatong ko muna sa lameso ko ang mga bulaklak. Nagpunta muna ako sa CR para magsipilyo at mag-retouch. Tapos dumaretso na ako sa client meeting para samahan sila sa company tour. Mga 3PM na kami natapos. Pinasyal namin sila sa lahat ng departments at siyempre sa accounting section kung saan doon ako kabilang. Nakakatuwa ang unang araw ko sa trabaho dahil nalibot ko agad ang buong kumpanya.

Bumalik na ako sa cubicle ko at naalala ko si Pep dahil sa mga bulaklak. Binuksan ko agad ang laman ng card. Medyo mahaba ang sulat.

Hi Hannah!

Kung binabasa mo na itong liham ko sayo, malamang ay naibigay na ni Rolly ang bouquet. I usually give flowers to my friends on their special day like birthdays. Although hindi mo naman birthday, special day mo ngaun kasi first day mo sa work. Noong first day ko kasi sa work, bongga din ang welcome sa akin ng office.

Sorry hindi na kita natawagan para magsabi na biglang hindi ako pwede ng lunch today. Biglang dumating ang Burmese investor naming at ako ang in-charge sa expansion project namin sa Myanmar kaya nakipag-lunch ako sa kanila to discuss some legalities. I’m excited na masimulan na talaga ang project doon.

Kamusta ang lunch with Rolly? Isa sa siya sa mga staff ko. Reliable and excellent staff siya. Mahilig iyon sa good time. Kinuwento ko naman sa kanya na friend kita sa Tumblr. Buti nga pumayag siya na puntahan ka sa lunch. Don’t judge Rolly ha! Lalaki iyon. Well, on the process na naman siya. Noong una ngang dumating ako sa office naka-cross dress pa siya. Pero naging supervisor niya ako at nakilala ko siya in a personal level kaya naiintindihan ko kung bakit siya nagging ganoon. Malaking factor kasi na binubully siya ng mga lalaking kaklase niya noong elementary at high school kaya mga babae naging kaibigan niya. Pero na-invite ko siya once sa church na inaatendan ko. Grabe ang naging impact sa kanya ng preaching ng pastor namin. And the rest is history. Nagpatuloy siya sa pagsama sa akin. Malaki na ang pagbabago sa kanya. Unti-unti pero nakakatuwa. Be amazed na lang sa mga pagbabagong mangyayari pa sa kanya. Malay mo magulat ka na lang na sa susunod na mga araw ay may girlfriend na siya.

Ok ba ang pagkain sa Hin Thai? I hope nagustuhan mo kahit medyo spicy. Favorite place ko doon kasi very relaxing. See you soon Hannah! Bawi ako ASAP.

-Pep

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko matapos kong basahin ang sulat ni Pep. Naiinis ako sa kanya!!!! Pero masaya ako kasi… basta! Parang biglang nabuhay ang puso ko. Habang tinutupi ko ang sulat, tumunog ang phone ko. Tumatawag si Pep.

“Uy Pep! Napatawag ka, alas tres pa lang ah. Nabasa ko na sulat mo. Thanks pala sa flowers! Pano mo nalaman na favorite ko ang pink roses?” excited kong sabi sa kanya sa phone.

“Pink rose kasi ang favorite ni lola kaya iyan pinili ko sa flower shop kanina bago ako pumasok sa office. By the way, diba sabi ko babawi ako ASAP? Labas tayo maya mga 4pm. Last day na noong International Book Fair sa SMX MOA. Alam kong mahilig ka sa ganoong mga events. May blog ka nga about sa passion mo sa pagbabasa ng books diba?” ang wika niya. Sa boses na iyon alam ko lalaking lalaki si Pep!

Sa loob loob ko, gusto kong mag-yes pero… “Waaahh Pep! Gusto kong pumunta sa book fair! Isa iyon sa mga bucket list ko. Kung pede lang akong mag-early out sa work. Nakakahiya naman kapag ginawa ko iyon since first day ko pa lang. Sayang! Next time na lang Pep. Salamat sa pag-invite,” ang panghihinayang kong sagot sa kanya.

“Supervisor mo sdiba? She is a close friend of mine. Actually isa siya sa kinokonsulta ko for financial aspect ng expansion project namin sa Myanmar. Nakatrabaho ko na kasi siya dati. First project na hinawakan ko ay siya ang pinadala ng company nila to help us in that financial side since consultant namin ang bank niyo. Anyway, I already arranged everything. Tinanong ko si Dem if madami ka pang gagawin sabi niya wala naman na daw. So pumayag siyang lumabas ka ng maaga. So daanan kita by 4pm in front of your building. Don’t be late. Bye!” ang pagmamadaling sambit ni Pep na para bang  gusto na niya ibaba talaga agad ang phone.

Medyo wirdo rin talaga iyong si Pep. Binabaan ba naman ako ng phone kahit hindi pa naman ako sumagot ng OO. But I like his weirdness. Grabe siya! Kakakilig. Ang panghihinayang ko kanina sa lunch napalitan ng dobleng excitement! Pero ayoko naman mag-expect. Nanliligaw na ba siya? May gusto kaya siya sa akin? Ewan. Basta gusto ko na siyang makita at makilala pa. Pero nakakapagtaka, bakit kaya labing-isa lang ang roses? Usually kapag bouquet ang laman ay labingdalawa. Baka naman binawasan ni Rolly. Naku malapit ng mag-4pm. Punta muna ako sa CR para mag-retouch at siyemre para magpaganda. 🙂

Photo Credits (here)

Advertisements

45 comments on “Akala Ko Siya Na

  1. Beatrix
    February 13, 2015

    I think this is a wonderful love story. Kahit na first time kong mabasa to, gustOng gustO ko na! Haha. This is a “must read” story!!! Can’t wait for other unfolding twists. Hihi!

    Liked by 2 people

  2. Beatrix
    February 13, 2015

    Hindi ko pa nababasa yung first part pero gustOng gustO ko tong story. Haha! Feeling ko din “must read” ba yung susunod dito. You’re good, I think pwede ka na ding maging writer ng mga pocket books. 🙂 keep it Up!

    Liked by 1 person

  3. Mico Medel
    February 5, 2015

    may part 3 na ba ito?

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      February 6, 2015

      ala pa bro 🙂 medyo busy pa ako eh, hindi ko pa kasi “siya” nade-date 🙂 Part 3: I am Dating a Blogger 🙂
      End ng Feb hopefully marelease ko na 🙂

      Liked by 1 person

  4. Ma. Fe
    December 4, 2014

    I cant wait for the part 3 .. it’s so nice 😀

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 4, 2014

      Thanks Ma. Fe! Hmmmmm… malapit ng lumabas ang Part 3 😉

      Like

  5. slickmaster
    December 2, 2014

    In fairness… I admire the twist. Hahahaha!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 3, 2014

      Thanks Sir! 🙂 You are one of bloggers whom I always follow in Definitely Filipino 🙂

      Like

  6. David D'Angelo
    December 2, 2014

    This is really an exciting story and is close to the heart of us bloggers 🙂

    Liked by 1 person

  7. Janice
    December 1, 2014

    This is the first time I’m reading this story but I’m already intrigued enough to want to read Part 1! Can’t wait for the release of the next part too. Good job! 🙂

    Like

  8. Carmel
    November 30, 2014

    Bitin naman! Haha. I agree with the others, pwede ito sa Whattapad. 🙂

    Like

  9. chieislove
    November 30, 2014

    Once again nabitin akoo. Haha. Can’t wait for the part 3. Its like i’m reading a story in wattpad.

    Liked by 1 person

  10. Pang Wattpad ang dating ng story…by the way, pag-bading by percentage din ba? How to calculate?..ha..ha..ha

    Like

    • Doctor Eamer
      November 28, 2014

      Lol! 🙂 Hmmmm may available app na po nan sa internet.haha! Automatic calculations. May series of questions siguro, then icacalculate nila.haha

      Like

  11. yolomoments12
    November 27, 2014

    Galing! Kung matapos kutong mabasa . 2nd na 🙂 HAHAHAH

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 27, 2014

      Anu daw bro? di ko nagets.haha

      Liked by 1 person

      • yolomoments12
        November 27, 2014

        HAHAHA. Kung matapos kung kwento nato . 2nd na ata na nabasa ko. HAHAHAH

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        November 27, 2014

        hahaha! ok bro!hehe Stay awesome! 🙂

        Liked by 1 person

      • yolomoments12
        November 27, 2014

        Ok bro. Tanong lang hanngang kailan ba yung Saranggola Blog awards? Naisip ko lng baka maka gawa ako. 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        November 27, 2014

        Abot ka pa bro! Until Nov.30 🙂 Puntahan mo din ang FB page nila, mas updated kasi kesa sa website 🙂

        https://www.facebook.com/saranggolablogawards
        http://www.sba.ph/

        Liked by 1 person

      • yolomoments12
        November 27, 2014

        Salamat bro. Cge gawa ako 🙂 HAHAHAH

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        November 27, 2014

        Go bro! abangan ko yan! 🙂 Madami ang nagpasa sa kategoryang “Maikling Kwento” at “Tula” kaya ang na-extend lang ay “Liham”, “Kwentong Pambata” at “Sanaysay”. Nasa website naman yung details 🙂 Go bro! 🙂

        Liked by 1 person

      • yolomoments12
        November 27, 2014

        Cge bro.

        Liked by 1 person

      • yolomoments12
        November 28, 2014

        Bro mag email nga pala ako sayo. Patulong ako kung paano sumaila sa SBA. Thanks 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        November 28, 2014

        Reply sent! 🙂

        Like

  12. Aileen
    November 26, 2014

    I rarely read stories in Tagalog, but yours piqued my interest. It’s a good one! Good job! 🙂

    Liked by 1 person

  13. Jerome Lupisan
    November 26, 2014

    Matagal ko nang sumulat ng mga kwento. Napalakas mo ang loob ko sa sinulat mo.

    Liked by 1 person

  14. Joei
    November 26, 2014

    Is this a true story? 😄

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 26, 2014

      I can’t say that it is a true story 🙂 But it is not an “untrue” story either 🙂

      Like

  15. phyliciamarie
    November 25, 2014

    Nakakatuwa naman tong story na to! Aliw na aliw ako habang nagbabasa, sana siya na nga!

    Liked by 1 person

  16. perhapsmelisa
    November 24, 2014

    nakakainspire… gusto ko tuloy ulit sumulat ng love stories. 🙂

    Liked by 1 person

  17. CurlyMadz Madaje (M)
    November 24, 2014

    hahaha ang taray may part 3! gusto ko ma-meet si Rolly 😛 another nice story here Joseph!

    Liked by 1 person

  18. ellagamba
    November 24, 2014

    Ang kulit ng twists! Haha! 😀

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on November 24, 2014 by in Crush, Love & Relationship, SBA & Short Stories and tagged , , .
%d bloggers like this: