Background:
Kaninang umaga pagkagising, napansin kong medyo namamanas (paga) ang mukha ng aking nanay. Hindi namin sure na magkakapatid kung allergy lang ba iyon. Napagdesisyunan namin ng aking ate at bunsong kapatid na ipacheck-up siya sa hospital.
Bago mag-alas otso ng umaga ay nasa hospital na ako at si nanay. Akala ko pa naman saglit lang so makakahabol pa sana ako sa trabaho. Nagdesisyon na lang ako na mag-half day leave since madami pa naman akong naipon na leave sa work. Sabi nung clerk ay 9am-12nn yung sched ng Family Doctor na in-charge ngayong araw. So nagkwentuhan muna kami ng nanay ko habang naghihintay. So eto na ang sulat ko para sa iyo Doc Thor (di totoong pangalan). Dahil gusto ko din naman protektahan ang pangalan mo at ng hospital na pinagtatrabahuhan mo. 🙂
Dear Doc Thor,
Una, naghintay kami ng matagal. Tatlumpong minuto ka late. Around 9:30am kana dumating. Kung mahalaga ang oras mo, mahalaga din ang oras ng pasyente mo. Kung binabayaran ka sa oras mo, binabayaran din ang oras ng mga pasyente mo. 🙂 Kung araw-araw eh ganyan ka dumating mas okey ata na palitan na lang ang 9am-12nn na sched mo at gawing 9:30am-12:30pm. Para naman hindi nag-eexpect ang mga pasyente. Saka maganda sa record mo iyon at hindi ka dadagdag sa mga Pinoy na sanay na sa “Filipino Time.” Doctor ka pa man din! Eh pano kung emergency iyon?! Yung tipong in 15 minutes mamamatay na yung pasyente? Tapos after 20 minutes ka pa dadating? Well, worst case scenario naman iyon pero it could possibly happen. 🙂
Pangalawa, bata ka pa sa tingin ko. Mga late 20’s (around 27-29 years old), so I’m expecting na mas accommodating ka. Pero hindi. Para kaming nasa immigration sa NAIA! Isang tanong, isang sagot. Wag masyadong serious doc! Doctor ka! You should relate to your patient kahit papaano. Since mas matanong ako kaysa sa nanay ko since ako yung magbabayad ng gamot at bills, naintimidate ka ata sa akin?hehe Nung sinabi mo na yung mga gamot, tinanong kita, “Doc, mga ilang beses po ito iinumin ng nanay ko?” Sinagot mo ako ng pabalang at pataray, “Ilalagay ko yon sa reseta.” Wag ganoon doc! Pasalamat ka mataas ang tingin ko sa mga doctor. Yung negative feedback sa iyo ay makakaapekto sa pangalan ng hospital na pinagtatrabahuhan mo. Private hospital pa naman din kayo. Haaay. Naisip ko tuloy yung mga cases sa public hospitals. Tumahimik na lang ako at hinayaan kita sa pakikipag-usap sa nanay ko. Natapos ang konsultasyon namin sa iyo mga apat na minuto. Nagpaalam ang nanay ko sa iyo nang magalang. Nagpaalam din ako sa iyo at kinamayan pa kita at nagpasalamat. I work and deal with people professionally, sana ganoon ka din. Kung nag-away kayo ng girlfriend mo kagabi, wag mung dalhin sa trabaho iyon. Paano kung mali mali yung naireseta mu sa mga pasyente mo dahil maiinit ang ulo mo? Buhay nila ang nakataya. Bro, smile din pag may time 🙂 Sorry, pero next time na magpapa-check up ang nanay ko, ibang doctor ang pipiliin namin.hehe 🙂 Alam mo kung isa akong mystery patient (term inspired sa mga mystery shopper), bagsak ka sa evaluation ko. 🙂
Ikatlo, panoorin mo yung movie na Patch Adams. Sana marami kang aral na mapulot doon sa movie about sa pagiging isang doktor. Bata ka pa naman din, madami ka pang lalakbayin sa iyong larangan at propesyon. Sabi nga ni Patch, “You treat a disease, you win, you lose. You treat a person, I guarantee you, you’ll win, no matter what the outcome.”
By the way, I am not a doctor but you can call me Doctor Eamer. Consult ka din sa akin minsan.hehe Mukhang problemado ang buhay mo eh. 🙂 Punta ka sa ask.fm clinic ko.hehe 🙂
Ayan work mode na ulit! Bye Doc Thor! Thanks sa few minutes mo! 100 pesos per minute din yun ah! 🙂
Respecfully,
Photo Credits (here)
buti po nadiscover ko blog nio, Dr. Eamer. 🙂 a struggling Louisian Med Student po here from the Cordilleras. 🙂
LikeLike
Hello there Ms. Reivagreen! 🙂
LikeLiked by 1 person
Inis ako sa mga ganung professionals, yung masusungit lalo na sa trabaho nila bilang doctor! Ang pasyente dapat sana kampante. Madami ding tulad ni Dr. Thor dito sa States. Sana lahat ng doctors have your attitude, eh regular siguro akong magpapa-check up 🙂
LikeLiked by 1 person
Hehehe! Naisip ko nga sana may android app na parang preliminary test/questions. So tatanungin ka nung app, anung katawan mo ang masakit, etc. etc. etc. Basta yung mga normal na tinatanong ng isang doctor. Then sa huli, bibigyan ka ng recommendation kung sinong doctor or hospital kung saan pinakamalapit sayo. Then, may record na din yung doctor. So hindi na siya magtatagal pagtatanong pa. Kung may iklaro na lang siya.
Kung common sickness like colds or ubo or lagnat, eh yung app irerecommend na lang na ganitong gamot yung bilin at hindi na kelangan magpunta sa hospital.
*dreaming* 🙂
LikeLiked by 1 person
Great idea yan ah! Siguro in the future merong ganyang app na lalabas. Saves us the hassle going to the doctor, lalo na yung masusungit 🙂
LikeLiked by 1 person
this is a social reality…
LikeLiked by 1 person
Sad reality nga po. 😦 But I still hope for a better Philippines 🙂
LikeLiked by 1 person
I wonder if customer service relations is being taught in med school.hehe
LikeLiked by 1 person
Sabi nga po nung friend ko na doctor.. “A medical school can teach medicine but cannot change one’s character. 😦 “
LikeLiked by 2 people