Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ang Crush Kong Blogger

laptop_ok

First Name: Pepito
Middle Initial: Y.
Last Name: Corazon
Birthday: July 7, 1992
Email Address: pepcy@gmail.com
Username: prinsipepito
Password: pepcy777

Ito ang mga impormasyong inilagay ko noong una akong gumawa ng aking blog sa Tumblr. Ang pangalan ko ay Pepito pero ang tawag ng mga kaibigan ko sa akin ay “Peps”. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo sa isang hindi kilalang unibersidad sa ika-apat na rehiyon. Libre lang ang aking tuition dahil ako ay isang iskolar. Hindi naman ako  ganoon kagaling pero hindi rin naman ako  ganoon kahina pagdating sa pag-aaral. Ikalawang taon ko na ngayon sa kursong BS Entrepreneurship. Huling taon ko na ito para sa mga minor subjects at isa sa mga iyon ay ang Communication 101. Isa sa aming takdang-aralin ay ang paggawa ng blog. Sabi ng professor namin pwede raw namin puntahan ang Tumblr, WordPress at Blogspot. Hindi ako  ganoon kapamilyar sa tatlong ito.

Noong nagpunta ako sa computer shop malapit sa amin, may mga nakita akong gumagamit ng computer at nakita ko ang salitang Tumblr doon sa screen nila. “Siguro uso talaga ang Tumblr,” wari ko sa sarili. Kaya naman hinahanap ko sa Google iyon at nakita ko naman. Ang aking url na nagawa ay prinsipepito.tumblr.com. Inaral ko ng kaunti kung paano maglagay ng post at kung paano ayusin ang itsura ng aking blog.

“Time’s up na! Extend ka pa Toy?” sigaw ng nagbabantay sa computer shop. Hindi ko akalain na isang oras na pala akong gumagamit ng internet. Pero natapos ko naman ang dapat kong gawin dahil nakagawa naman ako ng account ko sa Tumblr kaya umuwi na rin ako kaagad sa bahay.

Kinabukasan muntik na akong mahuli sa klase dahil sa dami ng hinanap ko sa library para sa aking mga takdang aralin sa major subjects.

“Class, get one-fourth sheet of paper and write your email address and the name of url that you made as part of your assignment last week,” mahinhing wika ni Professor Abby, ang guro namin sa Communication 101. Natapos ang klase na puro tungkol sa social media ang aming pinag-usapan.

Nasasabik na akong sumapit ang Linggo dahil makakapag-internet ulit ako pagkatapos sumimba. Sobrang natuwa ako sa mensahe ng aming pastor patungkol kay David at Goliath. Kahit bata pa lang daw si David ay walang takot niyang hinarap si Goliath at nagwagi sa ngalan ng Diyos. Inihambing niya ito sa pagtupad ng mga pangarap naming sa buhay. Pagkaalis sa simbahan, bigla kong naalala ang aking mga pangarap at para maabot iyon ay dapat galingan ko sa aking pag-aaral. Kaya nagpunta na ako sa computer shop para gawin ang pinapagawang takdang aralin ni Prof. Abby.

“One hour lang po,” sabi ko sa nagbabantay sa paborito kong computer shop. Binuksan ko agad ang email ko at nakita ko na pinadala na ni Prof. Abby ang listahan ng mga url ng blog ng aking mga kaklase. Ilan lamang sa aming tatlumpung magkakaklase ang gumawa sa WordPress at Blogspot, karamihan sa amin ay Tumblr ang gamit. Pati nga si Prof. Abby na may url na abbyoutiful.tumblr.com. Siyempre agad din akong nag-follow sa mga kaklase at kay Prof. Abby.

Habang tinitingnan ko ang dashboard ng Tumblr ko, may mga recommended blogs akong nakita na halos mga Amerikano naman lahat ang nagmamay-ari. Pipindutin ko na sana ang log out button nang biglang napatingin ako sa isang recommended blog at napukaw ang aking pansin sa account niya na may url na angiyongprinsesa.tumblr.com.

Sabi ko sa sarili ko “For sure Pinay ito! Hmmm bagay ang url namin! Prinsipe ako, siya ay prinsesa naman.” Sa totoo lang, cute ang larawan sa profile niya kahit side view lang ang kuha. Una kong binasa ang “About Me” na parte ng blog niya:

Hello bloggers! I hope you are doing great! I’m Hannah from the Philippines! Nice to meet you here. Welcome to my world! To my Filipino co-bloggers: Magandang araw kababayan! Maligayang pagbati mula sa makasaysayang bayan ng Kawit, Cavite. Mahigit isang taon na rin noong nagsimula akong mag-blog. Super enjoy naman so far. Medyo kaunti pa lang ang nakikilala kong taga-Pinas na blogger. Kung Pinoy ka don’t hesitate to message me! I’ll wait for your greetings at my inbox. Mabuhay 🙂

Alam mo ang pakiramdam na parang ako ang kausap niya at hinihintay niya? Ganoon ang naramdaman ko. Binasa ko pa ang iba pa niyang blogs at nagpa-extend pa ako ng isang oras sa computer shop. Siyempre bago ako umuwi ay nag-follow ako sa account niya at nag-iwan ng mensahe. Mensaheng hindi ko akalain na nagsimula ng kung anuman ang mayroon kami ngayon:

Hi Hannah! Astig ang name mo ah! Baligtarin man, Hannah pa rin. Cool! Historical din ang lugar mo. Lugar ni Emilio Aguinaldo. I’m Peps from the Philippines din! I enjoyed reading your blogs. Awesome! Nakakatuwa. God bless.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero parang may nagtutulak sa akin na magpunta sa computer shop at tingnan ang Tumblr ko. Dahil may limang piso naman ako, pwede na iyon. Labin-limang minuto rin ang itatagal noon.

Lunes

angiyongprinsesa: Uy kababayan! Saan ka sa Pinas? Estudyante ka rin ba? Ano ang kurso mo? Sa Cavite State University ako. First year BS Accountancy. Salamat sa pag-follow! I followed you back. 🙂 ‘Di naman halata na natuwa ka sa mga blogs ko noh? Puro likes mo eh! Salamat sa appreciation ng mga personal posts ko. Mga drama ang iba doon. Mga aral sa buhay. Mga pangarap din. Parang diary ko na rin kasi ‘yun. Bago ka lang sa Tumblr ‘di ba? Ala ka pang posts eh. Gawa ka rin ng “About Me” para naman makilala ka ng mga blogger. Ang itatawag ko sa iyo ay Pep! Para kahit baligtarin, Pep pa rin! Haha! Anong full name mo? Pasensya ka na ang dami kong tanong. 🙂 Puro foreigner kasi mga nakakausap ko rito sa Tumblr. Nakakadugo ng ilong! 🙂

prinsipepito: Dami ng tanong ah! Parang job interview lang. Hehe! Ok lang naman na Pep ang itawag mo sa akin since singular naman ako. Hehe! Sa Kalayaan, Laguna kami nakatira. Nag-aaral ako sa Laguna State Polytechnic University – Siniloan Campus, 2nd year BS Entrepreneurship. May subject kasi ako na Communication 101, social media communication na kasi ang topic naming kaya kailangan naming gumawa ng blog. Next time gagawa na ako ng “About Me.” Once in a while lang din kasi ako nagamit ng internet. Kailangan magtipid! Scholar kasi ako so medyo hirap talaga sa kaperahan pero kahit papaano ay nakakaraos naman. Mahirap pero nakakaya naman. Sipag at tiyaga lang. At saka pananampalataya. God bless sa study mo!

Martes

angiyongprinsesa: Wow! Sa Kalayaan, Laguna? San ‘yun? Ngayon ko lang narinig ‘yun. 🙂 Entrepreneurship! Nice! So anong business ang gusto mong itayo ‘pag natapos mo na ang kolehiyo? Scholar! Astig! Galingan mo! Be proud you are a scholar! You deserve that.

prinsipepito: Kung alam mo ang Paete, Laguna, malapit na ang bayan namin doon. Sorry daw ‘di kilala bayan ko! Pero mababait ang mga tao doon saka maganda ang tanawin! Hindi ko pa sigurado kung anong negosyo ang gusto kong simulan pero kailangan din kasi ng puhunan ‘pag nagkataon. Basta pagkatapos ko baka mag-apply ako sa Makati City. Ikaw ba? Bakit accountancy ang kinuha mo?

Miyerkules

angiyongprinsesa: Kasi magaling ako sa Math. Yabang ko raw noh?! Pero totoo ‘yun. Sabi kasi ng titser ko noong high school ‘pag magaling sa Math maganda raw na accountancy ang kunin. Sumunod naman ako. Nag-eenjoy naman ako. Sige kita-kits na lang tayo sa Makati City kasi baka doon din ako maghanap ng trabaho dahil doon nagtatrabaho ang ate at kuya ko. Parehas silang nasa bangko. Uy alam mo ba, nakakainis talaga ang professor ko sa isa kong subject. Isang linggo siyang hindi sumipot sa klase tapos pagdating kanina nagpa-quiz. Pambihira! Buti na lang nag-advance study ako so perfect pa rin. 🙂

prinsipepito: Alam mo, may yabang ka rin talaga. Hehe! Ikaw na ang magaling sa Math! Akala ko naman kung bakit ka naiinis sa professor mo! Eh perfect mo rin naman pala ang quiz! Yabang! Hehe! So tatlo pala kayong magkakapatid? Solong anak lang kasi ako. Wala na akong mga magulang. Namatay sila sa aksidente sa eroplano. Isang taon pa lang ako noong nangyari ang aksidente. Pero hindi naman ako galit sa Diyos dahil doon. Madami akong natutunan sa laban ng buhay. Saka kasama ko naman sa bahay ang lola ko. Maraming mga bagay pa rin ang aking ipinagpapasalamat. Sige! Uuwi na ako. Mag-aaral pa rin ako.

Huwebes

angiyongprinsesa: ‘Di ‘yun yabang ah! 🙂 Grabe pala ang pinagdaanan mo sa buhay. Pero alam kong kayang-kaya mo yan. Go, Pep! Kung pala naging anak ka ni Henry Sy nakakatawa ang name mo. 🙂 Pep Sy! Parang softdrinks lang. 🙂 Pero no kidding, bihira sa tao ang ganyan na mayroong spirit of courage. Tipong hindi nila hahayaan na magpaapekto sa mga sitwasyon nila at hayaan silang lamunin ng kalagayan nila. I admire you for that. Ang iba nga kaya na lang hindi makaahon sa buhay kasi lagi nilang sinisisi ang mga nangyari sa kanila. Ang kapit-bahay nga namin lulong sa alak kasi iniwan ng asawa. Maghapon siya laging nasa bahay lang at nag-iinom mag-isa. Hindi na pumapasok sa trabaho. Tapos ang isang kapit-bahay din namin nagpakamatay kasi nakipaghiwalay daw ang boyfriend niya sa kanya. Ayun! Nakita sa kwarto na bumubula ang bibig. Uminom daw ng Joy dishwashing liquid. Noong una natawa nga ako pero madami akong realizations. Naawa rin ako sa kanila. Haaaay.

prinsipepito: Napatawa mo ako sa Pep Sy. Hehe! Pero alam mo bang Sy ang apelyido ng professor namin sa Communication 101. Hehe! Abby Sy ang full name niya. Ang wirdo naman ng mga kapit-bahay mo! Saang subdividision ba kayo nakatira? Hehe! Lumipat na kaya kayo at baka madami pa diyan ang magpakamatay. Hehe! Pero tama ka, sinasayang nila ang buhay nila. Sabi nga ng pastor namin, ang sementeryo ang pinakamayaman na lugar sa mundo kasi nakalibing lang ang mga pangarap at potensyal na dala-dala ng mga tao. Kaarawan pala ng lola ko sa darating na Linggo. Ano kaya ang magandang regalo na siguradong magugustuhan niya?

Biyernes

angiyongprinsesa: Tama naman talaga ang pastor niyo. Regalo? Ano ba ang paborito niyang pagkain? Pwedeng ‘yun na lang. 🙂 Pwede rin naman na damit. Ok lang din ang bagong payong. Kapag lola ‘di ba lagi silang nagpapayong ‘pag lumalabas? Pero baka naman gusto ng lola mo ay cake. Hehe!

prinsipepito: Salamat sa mga suggestions ha! Sa sobrang dami lalo akong nahirapan mag-isip ng ireregalo.

Sabado

angiyongprinsesa: Pasabi kay lola, happy birthday!

prinsipepito: Thanks! Makakarating kay lola.

“Happy birthday lola!” Ang surpresang bati ko kasabay ang pag-abot ko sa kanya ng regalo kong payong na kulay berde. Iyon kasi ang paborito niyang kulay. Tuwang-tuwa si lola dahil sira na pala ang payong na binili niya pa noong isang taon. Sabay kaming sumimba ni lola at kumain sa labas. Nauna na siya sa bahay dahil ako ay pupunta pa sa computer shop.

Binuksan ko ulit ang aking Tumblr pero walang mensahe si Hannah. Nagtaka ako. Siguro busy lang siya. Siguro may exam siya kaya hindi muna siya nag-internet.

Nag-iwan na lang ako ng mensahe sa kanya: “Hannah! Salamat sa suggestion mo ha! Hehe! Binilhan ko si lola ng payong at tuwang tuwa siya. Galing ng payo mo! Hehe! Kamusta ang buhay-buhay diyan?”

Pagkatapos ng klase ay dumaretso na agad ako sa computer shop pero wala pa rin sagot si Hannah. Nag-iwan na lang ulit ako ng mensahe: “Mukhang busy ah! God bless sa mga exams mo! Kayang-kaya mo yan!”

Sa loob ng isang linggo, araw-araw akong nagpupunta sa computer shop para lang tingnan kung may reply na si Hannah. Siyempre nag-aalala rin ako. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Naging magkaibigan naman kami kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala. Lagi na lang akong nag-iiwan ng mensahe sa kanya.

Dumating na ang araw ng Linggo at laking tuwa ko nang nakita ko na may reply na si Hannah. Sobrang haba nga pero nakakatuwa kasi sa wakas may reply na siya.

Pep!!!!!! Sorry ha. Sorry talaga. Isang linggo rin akong ‘di nakapag-internet sa bahay. Dinala kasi ako ng parents ko sa hospital noong Sabado ng gabi. Ang taas kasi ng lagnat ko. Nagka-dengue ako. ‘Di ako tutulad sa mga kapit-bahay namin noh! 🙂 Madami pa akong pangarap. Saka wala naman akong asawa o boyfriend na iiwan sa akin para matulad sa mga kapit-bahay ko. Hehe! Namiss mo ko, noh? Aminin! Hehe! Ang dami mong message eh! Araw-araw ‘yun ah. Hehe! Salamat sa concerns. I appreciate that. Thank God dahil okey na ako. Kakalabas ko lang sa hospital. Pagdating ko nga sa bahay, binuksan ko nga agad ang internet para maka-reply sa iyo. Hehe! Buti at natuwa si lola mo sa regalo mo. Ang dami kong hahabulin sa class. Haaaay. Madami akong mga lessons na hindi napasukan. Baka hindi muna ako mag-internet ng isang lingo kaya baka next Sunday na ulit ako maka-reply. Salamat talaga Prinsipe!

Sobrang galak ang naramdaman ko noong nabasa ko na tinawag niya akong prinsipe. Pero baka naman dahil pangalan ng url ko lang iyon. Basta masaya ako. Alam kong masaya ako nang mabasa ko ang reply niya. Hindi na lang ako nagpahalata na may crush ako sa kanya. Hindi pa rin kasi ako handa para sa isang relasyon. Sabi ng lola ko kapag may trabaho na ako saka raw ako pwedeng mag-girlfriend. Tama naman si lola. Pang-internet nga lang ay binabawas ko pa sa baon ko. Limang piso bawat araw din iyon. Saka dapat mag-focus muna ako sa pag-aaral hanggang sa makatapos. Pangarap muna bago ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay maaaring makasira sa pangarap kung hindi ka pa handa. Pero kapag inuna mo ang pangarap, ituturo ka nito sa tamang pag-ibig.

So naging happy ending nga ba kami ni Hannah?

Nagpatuloy ang komunikasyon namin ni Hannah gamit ang Tumblr. Medyo pinipigilan namin ang aming mga sarili na ibigay ang cellphone number ng bawat isa. Masaya kami na nagkukuwentuhan kami at nagpapalitan ng kuro-kuro sa pamamagitan ng Tumblr kahit isang beses lamang sa isang linggo ako nag-iinternet. Tinuruan niya rin ako paano mas maging magaling gumawa ng blog. Sa katanuyan madami na akong posts at maganda na rin ang “About Me” na parte ng blog ko.

Naging mataas naman ang grado ko sa Communication 101 at laging may komento si Prof. Abby sa bawat post ko. Namatay na rin si lola ilang araw matapos ang graduation ko sa kolehiyo. Muntik na akong maging cum laude pero hindi naman basihan iyon ng pagiging matagumpay. Basta alam ko sa sarili ko madami akong natutunan sa buhay kolehiyo.

I’m so proud of Hannah! Nagtapos siya na cum laude sa kanyang kurso. Pumasa na rin siya ng board exam. Naging accountant siya sa isang bangko sa kanila sa Kawit. Samantalang ako naman ay nasa Makati City. Marketing manager ako sa Lamoiyan Corporation. Tatlong taon na rin ako rito sa kumpanya. Sobrang saya ko sa aking trabaho dahil mabait at magaling ang aking boss at mga kasama sa trabaho.

Kahapon, nag-iwan ng mensahe si Hannah sa aking Tumblr. Lilipat na raw siya sa Makati City. Natanggap siya sa isang international bank dito sa Makati. Gusto ko na agad dumating ang bukas! Ito ang reply ko sa mensahe niya:

Wow, Hannah! Congrats! Astig ‘yun ah! Isang international bank ‘yun. Katabing building lang namin kayo. So pwede tayong mag-lunch together lagi. Hehe! Puro may asawa na ang mga officemates ko kaya minsan out-of-place ako sa mga usapan nila. Speaking of lunch, dahil first day mo bukas sa work mo rito sa Makati, I’ll treat you. Sa tagal na rin nating nagkakakuwentuhan sa Tumblr, hindi ko pa nasasabi kung ano ang full name ko. Hehe! Bukas sasabihin ko na so formally magkikita at magkakakilala na tayo. Hehe! May malapit na Thai restaurant sa tapat ng building ninyo, “Hin Thai” ang name. See you there by 12 noon! Just in case na maligaw ka, just text me. Ito number ko, 0915-143-4444.

Wala pang pitong minuto ay nag-vibrate ang iphone ko at binasa ko ang text na galing sa isang bagong numero. Pagkabasa ko, hindi ko alam kung tatalon ako sa tuwa. Parang tumalon nga bigla ang puso ko. Gusto kong pumunta agad sa mall para bumili ng isusuot para bukas.

Hi Pep! 🙂 Kita-kits sa lunch bukas! Treat mo ha! Madami kang utang na kwento! Isang buwan ka rin atang walang message sa Tumblr kasi nga may Asian tour ang company mo dahil sa future expansion! Ikaw na ang naglibot sa sampung bansa sa loob ng isang buwan! I’m excited to know your surname! Malay mo, parehas pala tayo ng surname. Kung hindi, in the future malay mo maging parehas. Let’s see. 🙂 – angiyongprinsesa.

THE END. And hopefully the START.

Photo Credits (here)

This is my official entry to the Saranggola Blog Awards (SBA) 2014 – Category: Maikling Kwento.

sba1

Sponsors:

Sundan ang PART 2: Akala Ko Siya Na

UPDATES (As of 2016): This entry won the 3RD PLACE! Thank you Saranggola Blog Awards! See all the winners here. This short story turned out into a book (LOVE is BLOG). This is a seven-part story with fill-in blogs. If you are interested to but the book, check this link (LOVE is BLOG, Now Available). If you want to read some reviews for this book, click this link (Ano ang masasabi nila sa libro kong LOVE IS BLOG?)

love is blog by doctor eamer

Available na din ang libro ko! Click here for details. 🙂

Advertisements

64 comments on “Ang Crush Kong Blogger

  1. YOSSEF JOHN
    April 21, 2017

    Wow! Sobrang galing! At ganda. I am so thankful natagpuan ko ang blog mo Doc. As a new blogger, andami ko natutunan. 🙂 I started from scratch, at hindi madali magblog, but seeing this great blogsite, its a blessing. All the best po 🙂

    Liked by 1 person

  2. YOSSEF JOHN
    April 21, 2017

    Kabog..bigatin ang sponsors 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 21, 2017

      Hehe! Yun ang sponsors ng SBA eh. Lahat ng entries required na ilagay ang logo nung mga sponsors 🙂

      Like

  3. The Sanguine Notion
    October 22, 2015

    Nabasa ko ‘to sa tumblr dati! Haha. Nakakatuwa na nabasa ko ulit dto sa wordpress.

    Liked by 1 person

  4. njgparas
    September 15, 2015

    Wow!

    Liked by 1 person

  5. Nicole Alexandra Chua
    May 6, 2015

    Ang ganda nung kwento.. medjo nakarelate ako haha

    Like

  6. Lanie
    March 17, 2015

    Nice story! May part 3 na po ba?

    Liked by 1 person

  7. Mico Medel
    February 5, 2015

    Astig nabitin ako sa kwentong ito, feeling ko bumalik ako sa school medyo old school pero ok lang kasi mas ok un.
    What I like about the story they have set boundaries sa isa’t isa and they are focus on their priorities for the mean time until the right time comes.
    True Love Waits 🙂

    Liked by 1 person

  8. Pingback: Akala Ko Siya Na | Dr. Eamer's Blog

  9. Migs&Alaine Alejandrino
    November 24, 2014

    Nakaka aliw basahin, akala ko din totoo. Hehe. Good luck!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 24, 2014

      Thanks po! 🙂

      Like

    • Cherrylou
      December 27, 2014

      Hello Otep!.. 🙂 nag-enjoy ako sa *Ang Crush Kong Blogger* mo..hihi ang kulit! kakatuwa..kakakilig.. pirs time ko magbasa nitey..hahah Congrats po!..:) Goodluck and GodBless!..:)

      Liked by 1 person

  10. David D'Angelo
    November 24, 2014

    Wow that was one of the most romantic stories I have ever read. Totoo ba ito? Kasi sa unang tingin parang namamalikmata ako pero sana magpatuloy yan at maging happy ending.

    Liked by 1 person

  11. slickmaster
    November 23, 2014

    Dude, hindi ako palabasa ng mga ganiutong kwento kung tutuusin. Pero in fairness ha? Astig lang. Siguro dahil minsan sa talambuhay ko, may dinate din ako na blogger though iba nga lang ang naging experience ko dun. Kung may part 2 ito, go lang. I’m interested to read it (pero kung wala, okay lang din hahaha).

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 24, 2014

      Hi Sir Slickmaster! I’m a fan your blogs sa Definitely Filipino 🙂 Though minsan madami talaga bumabatikos sa iyo.hehe salamat po! 🙂

      Like

  12. chieislove
    November 23, 2014

    Sana may continuation! Kinilig akoo sa story. Tumblr din ang unang blog account na ginawa ko kaso puro kpop ang laman. May mga friends din akong nakilala at nakausap dun. Nice post :)👍

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 23, 2014

      Yes! I’ll post it next week 🙂 Natapos ko na yung part 2.hehe Naghahanap lang ako ng magandang pics para dun. Thanks for the compliment! 🙂

      Like

  13. Janet De Leon
    November 21, 2014

    Ang cute ng kwento 🙂 nakakabitin! parang dapat may abangan ang susunod na kabanata

    Like

    • Doctor Eamer
      November 22, 2014

      I’ll let you know po.hehe 🙂 Thanks for the compliment 🙂

      Like

  14. Mrs. Kolca
    November 20, 2014

    Akala ko talaga totoo kasi nung mag-check ako ng ilan sa mga urls na nilagay mo, legit naman, hanggang sa nabasa ko ang comments. Hahaha. Galing ah! Sana manalo ka!!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 21, 2014

      Hehe! Di ko pa nacheck if legit yung mga urls! talaga? legit yung iba?hehe naku lagot tayo jan.hehe Kapag nanalo itong entry na ito, cge gagawan ko ng sequel!haha Title: I am Dating a Blogger (inspired sa movie title na I am Dating a Gangster).hehe Thanks Mrs. Kolca! 🙂

      Like

  15. Mia
    November 20, 2014

    Naku ang galing mong magsulat! Nakakakilig! Akala ko totoo hehehe…I hope you’ll win in the contest.Keep sharing your blessings!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 21, 2014

      Hehehe! First time ko po actually magsulat ng kwento.hehe This is my first story na naisulat. So first writing contest ko din ito na nasilahan.hehe Nag-try lang po talaga ako since excited din ako sa prize.lol! I’ll take this comment as a compliment. Thanks Ms. Mia 🙂

      Liked by 1 person

      • Mia
        November 21, 2014

        You’re welcome! Na-surprise ako na first time mo palang nagsulat ng ganitong kwento. Para kasing matagal mo na itong ginagawa hehehe…Sana manalo ka nga & looking forward to reading more stories written by you. 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        November 22, 2014

        Hehe! Opo, first time ko sinulat yan Ms. Mia 🙂 Actually, nagka-sore eyes kasi ako, and for two days naka-sick leave ako, so dun ko kinonceptualize.hehe buti nakaabot sa deadline. 🙂 I’ll let you know pag may kasunod na yung story 🙂 Excited din ako.hehe thanks for the support! 🙂

        Liked by 1 person

      • Mia
        November 23, 2014

        See, things happen for a reason. May plan talaga si God. Dahil sa sore eyes mo, nakasulat ka ng isang kwento na nag-aaliw ng marami (kasali na ako dun…fan na ako ha?) Anyway, ano ba yung guidelines for the winning entry?

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        November 24, 2014

        Yehey! May fan na ako. 🙂 hehe! Thanks Ms. Mia! Extended po yung competition para sa category ng sanaysay, liham at kwentong pambata. Puro maikling kwento about love kasi ata yung madaming nagpasa. You can check it po dito.. http://www.sba.ph/ Sila lang po ang magdedecide ng panalo eh.hehe walang likes or share effect 🙂

        Like

  16. work@homeMillie
    November 19, 2014

    Aba, bitin naman ito! Good luck sa iyong entry! Maraming makakarelate at isa pa- interesting siya! Hahaha- parang now pa lang eh aabangan ko na ung susunot na kabanata!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 19, 2014

      Hehehe! Thanks Mum Millie 🙂 Hopefully magawan ko po ng susunod na kabanata yan story “pag may time” hehe 🙂 God bless po! Regards to the cute kids! 🙂

      Like

  17. Gracia Amor TheBlogger
    November 19, 2014

    That was good! It was worth reading! Maraming makakarelate dito! Hehe

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 19, 2014

      Thanks Mam Gracia! 🙂 Kayo po ba nakarelate?hehe I love your quotes! “Ask not what OFW can do to you, ask what can you do to OFW.” Excited na tuloy akong maging OFW.hehe! Let’s see next year 🙂

      Like

  18. Christian Melanie Lee
    November 19, 2014

    Awesome entry! May pinaghuhugutan ka ata dito ha. Anyway, relate din ako dito sa post mo

    Liked by 1 person

  19. yolomoments12
    November 18, 2014

    Akala ko totoo. Galing mo brad. HAHAHAH

    Liked by 1 person

  20. Fernando Ceballos Lachica
    November 17, 2014

    Good luck and winning is a step higher than your life before….nice piece with a twist!

    Like

  21. perhapsmelisa
    November 17, 2014

    Parang may pinanghugutan, Seph (or Pep?? :D)
    Galing. May “touch ng reality” ‘yung details at pagkakahulma dun sa mga characters. 🙂

    Like

    • Doctor Eamer
      November 18, 2014

      Haha “touch of reality”? cool phrase!haha but I prefer “touch of creativity” haha! 🙂

      Like

      • perhapsmelisa
        November 18, 2014

        half reality, half creativity?
        ^_^
        Ah, basta, God bless sa result. 🙂

        Liked by 1 person

  22. Rowell Cruz (Rowjie)
    November 17, 2014

    Nakakakilig. Hehe. Akala ko true to life. Anyway ang bata mo pa pala

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 17, 2014

      Hehe! May mga meaning naman po yung bawat details nan.hehe personal nga lang po. 🙂 But I do have a crush on a certain blogger!hehe 🙂 Thanks Sir Rowjie for dropping by! 🙂

      Liked by 1 person

      • Rowell Cruz (Rowjie)
        November 17, 2014

        Hehe. Obviously may pinaghuhutan ang kwento mo. Hehe. Pero di ko na masyadong uusisain. Good luck to your entry! Thanks too Sir!

        Liked by 1 person

  23. Don Garcia
    November 17, 2014

    hahahaha! ako din muntik na maniwala!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 17, 2014

      Bro! Nothing is impossible for Him who believes. (Mark 9:23) Hehe 🙂

      Like

  24. CurlyMadz Madaje (M)
    November 15, 2014

    bitin! pwede bang mahabang kwento na lang? hahahaha! naalala ko tuloy noong bago ako sa mundo ng internet 😉

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 15, 2014

      Hahahaha! Sige pag may category na sila na “Mahabang Kwento” hehe! Eh sabi kasi maikling kwento daw kaya ayan.. maikli lang.haha 🙂

      Like

  25. ellagamba
    November 15, 2014

    Muntik na po akong maniwala sa kwento. Haha. Cute!

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: